^

PSN Showbiz

Maraming baryo na walang comfort room mas dapat pag-usapan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang mga galaw ng mga tao sa tuwing nanonood ako sa TV ng senate at congressional hearings ang isang bagay na masarap pag-aralan.

Ewan ko kung alam ng mga dumadalo sa hearings na nakukunan sila ng mga TV camera habang kumakain sila, inaantok o parang walang pakialam sa mga pinag-uusapan.

People watching is one way to feel the pulse around you para makita mo rin how the people is acting.

Sana, ang seriousness ng mga tao sa nagaganap na pandinig ang makita ng viewers, hindi lamang ang bawat salita na binibitawan ng mga mambabatas.

Hindi ‘yung parang wala lang kaya hindi maiwasan ng ibang mga tao na mag-isip kung may nangyayari ba sa mga hearing at may resulta na makikita.

Parang mga artista lang na nagro-role playing ang mga nasa hearing. Grandstanding pero walang mga nangyayari.

Ayokong isipin na nagsayang lang ng oras ang mga mambabatas dahil maraming issues ang nalalantad pero ang resulta ng imbestigasyon ang mahalaga at hinahanap ng sambayanang Pilipino.

Kapag nanood tayo ng mga television documentary at nakikita natin na may mas malalaki na problema, naiinis lang tayo dahil ang paggamit ng toilet ang pinag-uusapan.

Pinagtatalunan ang toilets na gagamitin ng transgender people pero marami ang walang palikuran sa mga baryo.

Dapat may feeling tayo na excited kapag may senate at congressional hearings dahil alam natin na may solusyon at pagbabago na magaganap.Sana manood ng mga TV documentary ang lawmakers para nakikita nila ang mga tunay na problema na kailangan na malutas agad.

Bill na ginawa ni Sen. Ping para sa mga magulang, ‘di kailangan ng batas!

As usual, ako na naman ang nauna sa birthday lunch nina Marivic at Tessa, Salve.

At habang naghihintay ako, naisip ko na mag-Instagram dahil narinig ko sa radyo ang bill na ginawa ni Senator Ping Lacson, ang bill tungkol sa pag-aalaga ng mga anak sa kanilang mga magulang na kapag hindi nila nagawa, puwede silang idemanda at ikulong for abandonment of their parents.

Wow! Dapat ba na gawing batas ang pag-aalaga sa mga magulang? Joke ba ‘yan? Hindi ginagawang batas ang pagmamahal at pag-aalaga dahil MUST ang bagay na ito.

Honor thy father and mother, galing sa puso, hindi kailangang iutos o ipilit. Sa ating mga Pilipino hindi ba ‘yun ang talagang ugali natin, ang mahalin at alagaan ang mga nagsilang at nagpalaki sa atin?

At sa sinuman na hindi gumawa nito, mananagot sila sa Diyos dahil love begets love.

Pinakitaan at binigyan ng pagmamahal ng mga magulang ang kanilang mga anak, binabayaran at gagawin din ito ng mga  nagmahal at nagpalaki sa kanya.

Hindi na sila dapat takutin na ikukulong o mananagot sa batas dahil si God ang bahala sa kanila.

vuukle comment

PING LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with