^

PSN Showbiz

Maja nasa hitsurang mag-aasawa na

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Maja nasa hitsurang mag-aasawa na

At 30, mukhang handa na rin si Maja Salvador na harapin ang next phase ng kanyang personal na buhay.

Bukod sa kanyang uncle na si Phillip Salvador at pinsang sina Jobelle Salvador at ang actor-director na si Ricky Rivero, si Maja ang pinaka-active sa showbiz na nagmula sa kilalang Salvador clan.

Nung nakaraang December 9, 2018 ay suma­kabilang-buhay ang veteran actress aunt ni Maja na si Alona Alegre (Maria Lourdes Salvador) sa edad na 70 na kapatid ng kanyang yumaong ama, ang dating actor na si Ross Rival.

Seryoso ang relasyon ngayon ni Maja sa nakabalikang boyfriend na si Rambo Nuñez.

Maine gustong lumipat sa Dos?!

Personal na pinabulaanan ng manager ni Maine Mendoza na si Rams David na balak umanong lumipat ng Kapamilya Network ang kanyang alaga.

Si Maine ay naging phenomenal star matapos itong ipareha accidentally in 2015 kay Alden Ri­chards na mainstay na noon sa longest-running noontime show na Eat Bulaga and the rest ay history nang maituturing.

Baka iniisyuhan lang si Maine dahil todo promote ito sa kanyang unang pelikula with Carlo Aquino, ang Isa Pa With Feelings na idinirek ni Prime Cruz under Black Sheep Entertainment ng ABS-CBN.

Kathryn at Daniel bagay na kanya-kanya sa pelikula

Pasabog na maituturing ang unang tambalan sa pelikula ng Kapamilya at Kapuso stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ang tambalan na KathNiel nina Kathryn at Da­niel Padilla ang unang may hawak ng box-office record of all time sa local movies dahil pumalo ng P915-M ang kanilang 2018 movie na The Hows of Us na dinirek din ni Direk Cathy Garcia-Molina. Pero natalo na ito ng record ng Hello, Love, Goodbye nina Alden at Kathryn na halos isang bilyon na ang kita.

Dahil sa team-up nina Kathryn at Alden, marami naman ang nag-suggest na sana’y pagtambalin din sina Daniel at Maine Mendoza sa isang pelikula na tiyak ding nakaka-excite ang team-up kung ito’y mangyayari balang araw.

Second movie na bale ni Kathryn without Daniel ang Hello, Love... Nauna na rito ang Three Worlds to Forever nung isang taon na siyang reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez where Kathryn played as their daughter. Si Daniel naman ay nakagawa na rin ng tatlong movies na hindi niya kasama ang ka-loveteam at kasintahang si Kathryn - Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak with Robin Padilla in 2014, ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo also with Daniel’s Tito Robin at ang 2017 Metro Manila Film Festival movie na Gandarrapiddo: The Revenger Squad na tinampukan nila nina Vice Ganda at Pia Wurtzbach.

Kailangan din kasi nina Kathryn at Daniel na gumawa ng projects na iba ang kasama para na rin sa kanilang growth as individual artists or actors.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with