^

PSN Showbiz

Zia at Scarlet may tapatan sa endorsements

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Zia at Scarlet may tapatan sa endorsements

Ang gandang tingnan ng baby girls na sina Zia Dantes at Scarlet Belo sa mga television commercial nila Salve.

Kitang-kita ang saya ng mga bata habang ginagawa ang kanilang commercials na laro at hindi work  para sa kanila.

Lalong cute na magkalaban ang food chains na ini-endorse nina Zia at Scarlet, ang McDo­nalds at Jollibee.

Marami-rami na rin ang mga nagawa na television ads ng dalawang baby girls at very refreshing sila na panoorin.

Alam n’yo ba na nakabantay ang famous pa­rents nina Zia at Scarlet sa mga commercial shoot nila?

Nakakatuwa si Hayden Kho, Jr. kapag nagkukuwento ito tungkol sa mga shoot ni Scarlet. Kitang-kita naman ang excitement ni Dingdong Dantes sa tuwing sinasabi nito ang mga ginagawa at nangyayari sa shoot ni Zia.

Refreshing talaga to see kids endorsing a product at talagang perfect combination sina Dingdong at Marian Rivera.

Ang kanilang baby boy na si Ziggy, sobrang guwapo, grabe at ang sweet ng smile kaya sure ako na siya naman ang susunod na mapapanood natin sa mga television commercial.

Coffee project dinarayo dahil sa word of mouth

Ang mga litrato natin Salve na kuha sa Coffee Project ang pruweba na talagang dinarayo ng mga tao ang lahat ng branch ng coffee shop na pag-aari ng Villar family.

Word of mouth ang good service, masarap na kape at cakes, merienda at light course meals ng Coffee Project.

I really find it unfair na pintasan ang isang establishment na hindi pa natin nalalaman ang buong pangyayari.

May mga nang-iintriga tungkol sa tumbler ng ibang coffee shop na tinanggihan daw ng Coffee Project staff na lagyan ng kape.

May nakaisip ba na unethical na lagyan ng kape ng ibang coffee shop ang tumbler na dala ng nagrereklamo na kostumer?

Saka parang imposible talaga na bastos ang staff ng Coffee Project dahil may mga supervisor na nakabantay.

Sa madalas na pagpunta ko sa Coffee Project, wala akong nakausap na nagreklamo sa service ng staff.

Isa lang ang sinasabi ng mga kostumer, humihina ang wifi signal dahil sa rami ng mga gumagamit.

Huwag naman nating siraan ang staff ng UST branch ng Coffee Project dahil sa complaint na naka-post sa social media.

Gugustuhin ba natin na mawalan ng trabaho ang isang tao dahil masyadong naging maselan ang complainant?

Unfair di ba? Maging fair tayo at huwag naman masyadong maging complaining faggots.

Marami na ang problema ng ating bayan, huwag na nating idagdag pa ang mga maliliit na bagay na pilit na pinalalaki.

Ballet costume ni Liza Macuja-Elizalde natupok din

How sad naman na nasunog ang Star City kahapon. Marami ang nalungkot lalo na ang mga bata na looking forward na pumunta at mag-enjoy sa Star City tuwing holiday, particularly kapag Pasko at Bagong Taon.

Hindi lamang ang Star City ang nasunog dahil kinain din ng apoy ang mga ballet costume ni Mama Liza Macuja-Elizalde na mahirap nang mapalitan at may sentimental value sa kanya.

Sad talaga na matatagalan pa bago muling buksan ang Star City dahil sixty percent nito ang nasunog. Ang sabi ng management, baka sa October 2020 pa magbukas ang amusement park na libu-libong bata at matatanda ang pinaliligaya.

May mga duda na sinadya na sunugin ang Star City at kung totoo man ito, walang konsensya ang arsonist dahil inalisan niya ng kaligayahan ang mga maliliit at inosenteng bata.

vuukle comment

SCARLET BELO

ZIA DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with