Endorsement ni John Lloyd hindi na gaanong bumibenta sa fans!, Joel Cruz gumastos ng 48 million sa walong anak!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2019 - 12:00am

Ang daming revelation ng Lord of Scents na si Joel Cruz nang mag-guest kahapon sa  no. 1 digital talkshow na Take It... Per Minute (Me Ganun) with Manay Lolit Solis and Cristy Fermin with Mr. Fu (na pansamantalang si Ogie Diaz ang umupo kahapon dahil nasa bakasyon pa ito ).

Kinumpirma nito na P12 million ang nagastos niya sa unang kambal na anak niya na Russian ang nanay. Yup, ganun pala ka-expensive.

Eh 8 ang anak niya sa kasalukuyan. 

Pero kasama na raw sa nasabing halaga ang air fare, payment sa ‘ina’ ng mga bata at iba pang gastusin bago naiuwi ng bansa ang mga panganay niya years ago.

Meron siyang 3 set of twins at dalawang solo baby, so eight sila lahat.

“Mas mura na ‘yung mga sumunod,” sabi niya. Almost P10 million na lang daw ‘yung dalawang set ng twins at yung dalawang solo baby, P8 million each.

So P12, 10,10, 8, 8 = P48 million.

May kanya-kanya raw itong yaya na nag-aalaga sa kasalukuyan. At by shifting ang pag-aalaga.

Maganda rin ang paliwanag niya kung bakit puti ang uniform ng mga yaya ng mga bata at naka-mask ang mga ito.

Minsan na siyang pinuna tungkol dito pero kuwento niya may pagkaka­taon daw kasi na nalagyan ng beads ang mata ng isang baby na kitang-kita nila sa mata nito.

Aminado ang negosyante na naging over protective siya sa kanyang panganay na kambal pero sa mga sumunod na baby daw niya ay naka-adjust na siya.

Wala naman siyang kasamang natutulog sa walong anak niya.

Legal na anak niya ang walong bata dahil sa kanya nanggaling ang sperm ng mga ito.

 Ang unang kambal ang nanay ang nagdala pero sa mga sumunod na kambal, in vitro na kuwento ng perfume magnate. Sa Russian mother ang egg, sa kanya (Joel) ang sperm cells at may nagdalang iba. 

Kaya ang biological mother and father ng walong anak ni Joel ay iisa lang. 

Pero may asawa ang nasabing biological mother at career niya ang pagiging baby maker.

Tanong nina Nay Lolit, Nay Cristy and Ogie, hindi ba niya kayang gawin  ng ‘actual’ sa babae ‘yun? “Unang-una bata pa lang ako hindi na ako nagkakagusto sa babae. Noon pa man, hindi ko na kaya.”

Bakit ang dami nila?

“Galing ho ako sa malaking pamilya. Lumaki ho kami sa malaking pamilya at masaya kami at para kaming magkakaibigan. Kaya gusto ko rin magkaanak ng marami para magtutulungan. Nangyari ho ‘yun sa pamilya namin so gusto ko ganun.”

 Eh ano naman o sino naman ang iniisip niya at nakaipon siya ng male reproductive cell?

“Binibigyan kami ng magazine. Actually, puwede naman may kasama ka pero ok din na wala. May pinapanood din sa amin,” sagot ng tinuturing Lord of Scents dahil nga sa sikat niyang negosyong pabango na Aficionado.

Handa na rin ang future, as in meron na raw siyang mga kinuhang insurance para sa kanilang lahat at pag-aaral ng mga ito.

Sinasabi rin niya ang totoo na nasa Russia ang nanay nila na inimbita niyang magbakasyon dito sa Pilipinas kasama ang asawa at anak nito sa February.

Gastos nito ang biyahe nito.

Anyway, pabor si Joel sa pinag-uusapang SOGIE Bill. “Mahal ko ‘yung LGBT, gusto kong mabigyan sila ng protection, ‘yung rights ng LGBT. Of course pabor ako dun, tao rin sila na nangangailangan ng equal na respeto. Ipasa para sa akin,” deklarasyon ng isa sa kilalang gay single father.

Pabor din siya na magkaroon ng comfort room ang mga gay and lesbian.

So tinatanong ba siya ng mga anak niya kung gay siya?

One time daw narinig niyang sumagot ang isang anak niya ng “We don’t have a mom because daddy is a gay” na kinatuwa niya dahil hindi na siya kailangang magpaliwanag.

Relate na relate naman si Ogie sa pinagdaanan ni Joel na isa ring ulirang ama.

By the way, kinumpirma ni Joel na endorser pa rin nila si John Lloyd Cruz pero sinabi niyang medyo mahina ang perfume na ini-endorse nito.

Yup, nakakontrata pa rin sa kanila ang aktor kahit na nga sinasabing hindi na ito gumagamit ng pabango dahil sa bagong hitsura.

Anyway, isa nga pala sa bagong produkto ng Aficionado ang genital spray. Yup meron na palang ganun.

Anyway, aside from Joel pinag-usapan din kahapon sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) si Mocha Uson na kaka-appoint lang bilang executive director ng OWWA.

Sabi ng mga beteranong host ng programa, tingnan muna ang trabaho ni Mocha bago i-bash. 

Sa mga hindi nakapanood ng episode ng Take It... kahapon, maki-Team Replay sa Facebook Page ng Pilipino Star NGAYON.

JOEL CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with