^

PSN Showbiz

Maine inaming walang dating sa kanya si Carlo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maine inaming walang dating sa kanya si Carlo

Kitang-kitang kumportable na sina Carlo Aquino at Maine Mendoza nang humarap sila sa media nung nakaraang Lunes para sa pelikula nilang Isa Pa With Feelings na dinirek ni Prime Cruz.

Nabuo ang magandang friendship nila habang ginagawa nila ang pelikulang ito.

Kaagad silang nagkasundo at hanggang sa mediacon ay kitang-kita ng media kung paano sila mag-asaran na ang tawag nga nila sa kanilang friendship, “love-hate relationship.”

Kaya kahit sa mga sagutan nilang dalawa, nakakaaliw ang kanilang asaran.

“Kung basag-basagin mo kasi ako ganun-ganun na lang. Pero mahal ko to. Mahal ko to si Maine,” pakli ni Carlo.

“Kumportable na po kami sa isa’t isa to the point na naglolokohan kami sa set. Sobrang nagbibiruan na minsan hindi mo alam kung napipikon na ba yung isa.

“Siguro kung nakikita mo yung pinanggalingan namin yung unang pasok namin sa sign language sa workshop, talagang ibang-iba na talaga” sabi pa ni Carlo.

“Pero okay na rin eh, kasi you’re very easy to get along with naman talaga. At wala kang dating….I mean hindi siya intimidating.

“Sobrang dali niyang i-approach. Very friendly, very accommodating. Parang hindi ka mahirap i-approach, hindi mahirap i-joke siya. Natatawa naman siya…kumbaga walang ere,” sabi naman ni Maine na medyo nalilito sa sinabi niya dahil nagtawanan na ang lahat sa sinabi niyang ‘walang dating’ si Carlo.

Proud sina Carlo at Maine sa pelikulang ito dahil pinaghirapan naman nila ito lalo na’t talagang inaral daw nila nang husto ang sign language.

Si Maine naman ay sa comedy talaga nasasanay at ito raw ang pinaka-heavy na drama na nagawa niya.

Ani Maine; “Honestly, mahirap talaga sa akin yung mga heavy scenes. Pero, dito kasi kailangan talaga siyang gawin. And with the help of Carlo, naitatawid naman kasi iba yung mga mata ni Carlo Aquino. As in siya talaga yung legit na nakukuha niya yung mga co-actors niya sa mata. Walang halong biro talaga.

“Pati na rin sina direk, yung pagmu-motivate sa amin sa set. Sobrang nakakatulong din. So, I owe it to them.”

Sabi naman ni Carlo; “Bagong-bago talaga sa akin. Kaya kahit walang dialogue talagang nakaka-drain. Iyun po pag walang dialogue, paano po yung pinagdadaanan ni Maine di ba? Siya, nagbabato pa ng dialogue, mini-memorize niya lahat.”

Nagsu-shooting pa sila ng ilang eksena sa pelikula at isinasabay pa ito ni Maine sa ginagawa niyang pang-MMFF na pelikula nila ni Vic Sotto.

Kaya hindi rin daw niya alam kung paano niya naitatawid ang maglagare sa dalawang pelikula.

Na sinundan naman  ni Carlo ng komentong, hindi naman daw halatang walang tulog ang leading lady niya.

Masayang kinuwento ni Maine na bago pa raw inilabas ang teaser ng pelikula, halos 60 na raw ang naka-schedule na block screening.

Kaya bago mag-showing ito sa October 16, inaasahan nang mahigit 100 block screenings na sila dahil solid naman ang suporta ng kanilang fans.             

Natakot matsugi, female TV celebrity biglang bumait!

Marami na ang nakapansin sa malaking pagbabago ng kilalang female TV personality dahil sa takot niyang matsutsugi na ang weekly show niya. Hindi na siya mahirap pakisamahan sa trabaho.

Hindi na nga raw pinahihirapan ang staff niya, kaya sana tuluy-tuloy na raw itong kabaitan ni female TV personality.

Kasi naman, kinausap pala siya ng bosses na nanganganib nang matigbak ang programa niya dahil hirap na hirap itong makipaglaban sa ratings.

Mabuti at medyo nakakabawi-bawi na ngayon dahil tumataas na sila sa katapat na programa. Pero sabi raw ng bosses kay female TV personality, kung ano man ang mangyari sa programa niya, huwag siyang mag-aalala dahil siya pa rin daw ang bida sa programang ipapalit kung sakali.

Pero sana maayos na raw ito at hindi na pinahihirapan ang staff dahil baka mamaya, wala nang gustong sumasama sa susunod niyang proyekto.

vuukle comment

CARLO AQUINO

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with