Piolo Pascual
Papa P eight years nang nagso-solo!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 30, 2019 - 12:00am

Inaabangan kung kailan ba talaga mai-in love si Piolo Pascual.

Sabik ang maraming fans na makita itong may karelasyon.

Si KC Concepcion ang last official girlfriend ng actor.

Walang official declaration na naging sila ni Shaina Magdayao kahit may pagkakataong magkasama at sweet pa sa isa’t isa.

Consistent si Piolo sa sagot na ayaw niyang i-prioritize ang kanyang lovelife.

Eh 2011 pa sila nag-break ni KC so eight years na nga namang walang girlfriend si Papa P.

Since then ay si Shaina na lang ang pangalang naugnay sa actor.

May biro ang actor recently na maghanap na si Inigo ng magiging stepmom niya.

Ni-link din uli siya ngayon kay KC na common knowledge na single na uli at kasalukuyang nag-aaral sa America. July pa nang mag-post si KC ng pagiging single lady niya uli. “These are the times we single ladies probably wish we had someone by our side at home,”  post niya nang sumama ang pakiramdam niya.

Inasahan na noon ng lahat na sila na magkaka­tuluyan ng French producer / director na si Pierre Plassart.

Kasalukuyang working student si KC sa US.

“I’ve been a working student since high school, and ang sarap parin pala ng feeling mag aral ulit ?? Checking into the mothership! Hi from the #GemologicalInstituteofAmerica campus!”

Going back to Piolo, katuwang ang Sun Life Philippines, pangungunahan uli niya ang gagana­ping SunPIOLOgy.

Ang SunPIOLOgy ay isang sporting event that aims to encourage more Filipino na magkaroon ng malusog na buhay.

 “Sun Life aims to offer Filipinos more avenues to pursue their health goals. With SunPIOLOgy, we are able to make the pursuit fun and enga­ging through a variety of sporting events, while the charity component makes it more meaningful and memorable,” Sun Life Chief Marketing Officer Mylene Lopa said.

Now on its 11th year, the event carries the theme SunPIOLOgy Xone and will feature the following highlights: Sun Life Virtual Run, Sun Life Cycle PH, and Sun Life Resolution Run.

For more about Sun Life’s health and wellness initiatives, follow @SunLifePH and @GoWellPH on Facebook, Twitter, and Instagram.

PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with