^
Marian binigyan ng âimportantâ visa si dingdong
Rhea & Marian

Marian binigyan ng ‘important’ visa si dingdong

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2019 - 12:00am

Nagpasalamat si Dingdong Dantes na pinayagan siya ng misis na si Marian Rivera sa kanilang Euro adventure kasama na ang pagtakbo niya sa Berlin Marathon na by the time na binabasa ninyo ito ay ongoing na ang marathon.

Tinawag ni Dingdong na very important visa ang ginawa ng misis. “And that concludes the first leg of my Euro adventure. Thank you Lord for guiding us and keeping us safe on two wheels while riding those 1000kms of beautiful roads across Spain, France and Monaco. And of course, many thanks to my wife for issuing that very important visa!,” sa IG post ni Dingdong.

Sinabi ni Marian na ipagdarasal na lang niya ang asawa. “I-enjoy niya kasi pangarap niya talaga ‘yun so gusto ko i-enjoy niya ang journey na ‘yun kahit wala ako doon physically. Kaya niya ‘yun.

“Hindi ‘yun pumapasok sa isang bagay na hindi niya kaya,” dagdag pa ni Yanyan.

Pero ang isang sure lang, diumano’y nagsisimula nang ipagawa ng mag-asawa ang kanilang dream house. Though ayaw magbigay ng detalye ni Marian nang makatsika namin sa opening ng  flagship store ng Beautederm sa second level ng Marquee Mall sa Angeles, Pampanga last week.

Anyway, simula nang magkaroon ng opening ang Beautederm flagship store sa Pampanga, parang sinehan na ito dahil sa pila-pila ang bumibili. Reverie by Beautéderm Home ang ini-endorse ni Marian at malapit na ring magbukas ng sariling store ang mother niya sa Cavite. Ang flagship store sa Marquee Mall ang 88th store ng Beautederm ni Ms. Rhea Anicoche-Tan. “My favorite scents are the Into the Woods and Calming Lavender while Dingdong prefers the Something Minty scent,” kuwento ni Yanyan sa mga home spray / candles na ini-endorse niya.

 Target ni Ms. Rhea na magkaroon ng 100 stores before the end of September para na rin sa 10th anniversary celebration nila.

Nagpapasalamat din si Ms. Rhea kay Marian na hindi na lang basta endorser niya ang Kapuso queen, kundi may special friendship na silang nabuo. “Aside from the fact that Marian is truly one of our top celebrity endorsers and that her association with the brand really helped in boosting the sale of our pro­ducts, she’s also a very very dear friend,” sabi ni Ms. Rhea.

“Marian is such a joy to work with and she is also the sweetest and most caring friend anyone could ever hope for,” dagdag pa ni Ms. Rhea.

 

MARIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with