^

PSN Showbiz

Tagalog films nagpapasiklab sa Tokyo Filmfest!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Dalawang pelikula ni Erik Matti ang kasali ngayon sa Tokyo International Film Festival na magaganap sa November 5 sa Roppongi Hils. Ito ay ang The Entity nina Sharon Cuneta at John Arcilla na napanood sa Pilipinas sa pamagat na Kuwaresma, at ang Island of Dreams nina Angeli Bayani, Yul Servo at Ina Feleo.

Ang iba pang local films na makakasali sa nasabing filmfest ay ang Mananita nina Bela Padilla, Ronnie Lazaro; Motel Acacia nina Bradley Liew, JC Santos, Angel Aquino; Mindanao ni Judy Ann Santos at Allen Dizon; The Halt (Ang Hupa) nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao; Six Degrees of Separation of Lilia Cuntapay ni Antoinette Jadaone at Untrue nina Cristine Reyes at Xian Lim.

Gardo naalagaan ang sarili

Dumagdag na rin si Gardo Versoza sa mga nagpapahirap kay Cardo sa FPJ’s Ang Probinsyano. At bukod dito, may bago siyang serye sa ABS-CBN pa rin na magsisimula na sa September 30, ito ang Sandugo nina Ejay Falcon, Aljur Abrenica, Elisse Joson at Jessy Mendiola.

Nagtatanong tuloy ang ang supporters niya na pawang manonood ng Ang Probinsyano kung mawawala na ba siya dun?

Samantala, hindi pa rin nagbabago si Gardo, pogi pa rin ito at naalagaan niya ang kanyang pangangatawan sa pamamagitan ng regular na ehersisyo at pagbibisikleta.

Andrea at Derek nahulaan ang nangyari

Pagkatapos na pagkatapos ng serye nilang The Better Woman, agad-agad na umamin sina Andrea Torres at Derek Ramsay sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Nagsimula ito sa pagtatambalan nila sa nasabing serye.

Tama ang hinala ng mga nakasaksi sa madalas nilang yakapan kahit sandali lang silang magkahiwalay. Ganun nila kabilis ma-miss ang isa’t isa.

All’s well that ends well sa dalawang pareha na pareho namang libre at walang sabit.

Ejay nag-a-adjust para magtagal sa gf!

Isa na rin pala si Ejay Falcon sa mga artistang reservist, pero mas gusto niya raw sa Philippine Air Force kaya sumailalim siya sa training dito. Bukod sa pagiging artista ay gusto rin daw ni Ejay na makapagsilbi sa bayan at sa kanyang mga kababayan.

Katulad ng kanyang pagmamahal sa bayan ay mahal din ng aktor ang kanyang girlfriend of many years na kahit inamin niyang seloso siya at over protective kay Jana Roxas ay smooth pa rin ang kanilang relasyon at hindi nila ito pinag-aawayan.

Sa halip ay nag-a-adjust sila para mapanatili ang kanilang katahimikan.

Hangga’t maaari ay pinipigil ng aktor ang kanyang pagiging seloso, at si Jana naman ay iniiwasan na magselos ang kanyang nobyo. Sa ganitong pa­raan ay mas lalo nilang nakikilala ang isa’t isa at nagtatagal ang samahan nila.

vuukle comment

TOKYO FILMFEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with