^

PSN Showbiz

‘Case closed’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Case closed�
Alex

In fairness sa Mommy Pinty nina Toni at Alex Gonzaga, kahit noon pa, mabait siya sa akin kapag nagkikita kami Salve.

So nang ipakausap siya sa akin ni Jun Lalin sa phone, kinausap ko si Mommy Pinty. Sinabi ko na hindi mawawala ang paggalang ko sa kanya at hindi ko malilimutan ang pagiging mabait niya sa akin.

Sinabi ko kay Mommy Pinty na huwag na siyang magpaliwanag tungkol sa airport incident issue nina Alex, Ken Chan at Rita Daniela.

After all, tapos na ang isyu ay ayaw nang palakihin nina Ken at Rita.

Walang paliwanagan, basta para sa akin naisulat ko na ang nangyari at kung ano man ang katotohanan, nasa konsensya na ‘yon ng tatlo.

Basta may respeto sa akin ang nanay nina Toni at Alex, may paggalang din ako sa kanya. Case closed. Wala nang isyu. Salamat Mommy Pinty, basta iginagalang kita at okey na po.

Ken hindi bagay sa blonde

Mabuti naman, black na uli ang kulay ng buhok ni Ken Chan nang humarap siya sa press conference ng One of the Baes, ang primetime show nila ni Rita Daniela na ipapalit ng GMA-7 sa The Better Woman.

Blonde kasi ang buhok ni Ken sa ipinakita na trailer ng One of the Baes at para sa akin, hindi ‘yon bagay sa kanya dahil nagiging soft ang features ng mukha niya.

Pero hindi maipagkakaila na nadagdagan ang confidence ni Ken mula nang magbida ito sa mga afternoon television series ng Kapuso Network dahil nagkaroon siya ng star aura na mapapansin din sa hosting job niya sa The Clash.

Amy Austria nakakamangha pa rin ang ganda!

Gandang-ganda kay Amy Austria ang entertainment writers na dumalo sa story conference ng One of the Baes.

Pati nga si Maureen Larrazabal, hindi napigilan ang sarili na magsalita na magandang-maganda si Amy dahil parang hindi ito nagkakaedad.

Sa totoo lang, walang inayos o niretoke sa mukha ni Amy as in natural na natural ang ganda niya na hindi inakala ng mga reporter na kanyang nakasalamuha sa presscon ng One of the Baes.

Pati sa television screen, maganda at malakas ang rehistro ni Amy na gumaganap na nanay ni Rita sa bagong primetime show ng GMA-7.

Pagdating naman sa acting, hindi matatawaran ang talent ni Amy na hindi na kailangan na umarte dahil facial expression pa lamang niya, punumpuno na ng emosyon.

Starring din sa One of the Baes ang former child actor na si Buboy Villar.

Nag-umpisa ang showbiz career ni Buboy bilang child star kaya hanggang ngayon, child actor pa rin ang tingin ko sa kanya.

Parang mahirap isipin na tatay na si Buboy at dalawa na ang anak nila ng kanyang live in partner na si Angillyn Gorens.

Isinilang ni Angillyn kamakailan ang second child nila ni Buboy pero sa Amerika siya nanganak dahil naging maselan ang pagbubuntis niya.

Hindi pa bumabalik sa Pilipinas ang mag-ina kaya hindi pa nakikita ni Buboy nang personal ang pangalawang anak nila ni Angillyn.

vuukle comment

ALEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with