^

Kunyari padala, Sikat na female personality nag-order ng flowers and baloons na pang-post sa social media!

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2019 - 12:00am

Naku, isang gabi ‘yun na mas malakas pa sa ulan ang halakhakang maririnig sa paligid, pinagpipistahan kasi sa isang umpukan ang mga kalokahan ng isang sikat na female personality.

KSP kung tawagin siya ng marami, kulang siya sa pansin, kapag tahimik ang kanyang buhay ay gumagawa siya talaga ng paraan para makuha niya ang atensiyon ng publiko.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “Heto na. Ito ang isang markadong kalokahang ginawa ng babaeng ‘yun! Di ba, patay na patay siya sa isang kilalang male personality?

“Kaso, walang panahon sa kanya ang guy, iniiwasan siya, edukado lang talaga ang taong ‘yun kaya hindi siya ipinahihiya in public sa mga pinagsasasabi niya!

“Para lang ipaalam niya sa buong mundo na sila na talaga ng guy, e, kung anu-anong kadramahan ang pinaggagagawa niya! Pa-mysterious pa nga ang atake niya!

“One time, e, may ipinost siya sa IG account niya. Mga balloons ‘yun at flowers, ang dami-dami! Ipinadala raw ‘yun sa kanya ng isang guy na may matinding connection sa buhay niya!

“Nag-blind item pa ang lokah, hulaan na lang daw kung sino ang nagpadala sa kanya ng mga lobo at bulaklak! Basta, napakasaya raw niya dahil napaka-thoughtful ng lalaking ‘yun!

“Walang kaalam-alam ang female personality na nu’ng i-deliver ang mga lobo at flowers sa tinitirhan niyang condo, e, ang dami-daming nakarinig sa lobby ng sinabi ng delivery man!

“Ang buong-ningning na sabi kasi sa lobby guard ng delivery boy, ‘Sir, iaakyat na po namin ang inorder na lobo at bulaklak ni Mam ____.’ Natural, lukang-luka ang mga utaw nu’ng i-post niya na nagpadala raw sa kanya ng mga balloons at flowers ang male personality na karelasyon niya!

“Nakakaloka! Buking na buking ang drama niya, siya mismo ang nagpadala sa sarili niya ng mga lobo at flowers! Pinalalabas lang niya na galing kuno sa mystery guy na sinasabi niya!

“Naku, ha? KSP ang lola n’yo! Kung anu-anong kadramahan ang nagagawa niya para lang palabasin na mahal na mahal siya ng guy na iwas na iwas nga sa kanya!” humahalakhak na pagtatapos ng naaaning-aning na rin naming source.

Ubos!

Fans nina Kathryn at Daniel na walang modo kailangan ng lecture!

Sana’y mabigyan ng panahon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang mga tagasuporta nila na hindi na wasto ang pinaggagagawa.

Nakakapanghinayang kasi, meron pa namang kasabihan sa showbiz na “Tell me who your fans are and I’ll tell you who you are.”

Hampas sa kalabaw sa kabayo ang latay ang nangyayari, pati sina Daniel at Kathryn ay napapasama ang imahe nang dahil sa fans nila na kung makapambira ay sobra-sobra, sila ang nalalagay sa alanganin.

Tapos na ang Hello, Love, Goodbye, halos bil­yon na ang kinita ng pelikula nina Kathryn at Alden Richards, hawak nga ng proyekto ang titulo na unang pelikulang Pilipino na kumita nang ganu’ng katindi sa kasaysayan.

Kani-kanyang landas na ngayon ang dalawa, balik na kay Daniel si Kathryn, si Alden naman ay may serye nang The Gift. Pero masyadong binubulabog ng ilang tagahanga ng KathNiel ang Pambansang Bae.

Pati ang ginawa nilang TVC ng isang brand ng ice cream ay pinapersonal ng mga ito, ibang klase raw ang kanilang tatangkilikin, dahil si Alden ang kasama sa commercial ng young actress.

Pati ang pagpo-post ni Alden ng mga retrato nila ni Kathryn sa HLG ay ikinagagalit ng fans ng KathNiel, tantanan na raw ni Alden ang panggagamit sa kanilang idolo, napakalaki na raw ng idinagdag sa kanyang career ng tambalan nila ni Kathryn.

Sana’y may makapagpayo sa mga tagasuportang ito na masyado na silang nagmamalabis, nakakaawa naman ang mga idolo nilang nakakaladkad ang pangalan sa mga mali nilang ginagawa, marami kaming kilalang tagahanga ng KathNiel na edukado at malawak ang pang-unawa.

Puwede kayang paalalahanan nila ang kanilang mga kasamahan na naliligaw na ang tabas ng mga dila? Makakaapekto kasi ang mga ito sa pangkalahatan, kahit hindi naman sila kasama sa grupong maligalig ay nadadamay sila, damay-damay na ang nagaganap.

FLOWERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with