^

PSN Showbiz

Gwapong young actor parang laging pagod na pagod pag nasa trabaho!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Palaging bumibida sa kuwentuhan ng mga produksiyon sa paggawa ng TVC ang isang sikat at guwapong young actor. Hanggang sa pisikal na anyo lang ang mga papu­ring maririnig tungkol sa guwapong young actor dahil ang kasunod nu’n ay puro kanegahan na.

Maraming commercials na ang kanyang nagagawa, mabenta siyang endorser, pero ang tanong ay kung gusto ba naman siya ng kanyang mga nakakatrabaho?

Kuwento ng isang source, “Ewan kung bakit napakamahal ng ngiti niya. Ewan din kung bakit parang hirap na hirap siyang ibuka ang bibig niya!

“Para bang pagod na pagod siya na ewan! Pero nakatulog naman siya nang maayos, may pahinga naman siya bago ang TVC shoot! Pero iba ang kanyang mga ikinikilos!” umpisang paglalarawan ng impormante tungkol sa guwapong young actor.

Hindi naman kasi magaling na dancer ang young male personality, parehong kaliwa ang kanyang mga paa, kaya itinuturo sa kanya ng nakabantay na choreographer kung paanong pagsayaw ang kailangan sa TVC shoot.

Patuloy ng aming source, “Sumusunod naman siya sa choreographer, in fairness, pero kumusta naman ang itsura niya habang nagre-rehearse?

“Tamad na tamad ang itsura niya, nakasimangot pa, sino naman ang magkakagusto sa isang talent na tulad ng ganu’n? Parang ayaw niyang tinuturuan siya, parang inis na inis siya sa mga ipinagagawa sa kanya?

“E, teka lang naman muna! Milyon ang talent fee niya sa paggawa ng TVC! Hindi naman barya lang ang ibinabayad sa kanya ng agency! Sa laki ng TF niya, e, ni hindi man lang siya matutong makisama sa mga katrabaho niya?

“Ano na lang ba namang bumati siya sa mga taga-production? Ano ba namang mag-effort naman siyang makipag-usap nang kahit ilang minuto lang? Ikababawas ba ng kaguwapuhan niya ang pakikisama?

“Naku, siya ang ayaw na ayaw na nakakatrabaho ng mga taga-agency. Kilalang-kilala na kasi nila ang kartada ng young male personality na ‘yun na ang feeling yata, e, siya na ang pina­kaguwapong lalaki sa balat ng lupa!

“Paano nga kaya siya natatagalan ng girlfriend niya? Mahirap ispilengin ang ugali ng mokong na ‘yun! Suplado siya! Napakalayo niya sa isang sikat ding young actor na malayo pa lang, e, nakangiti na!

“Kung white ang kulay ng young actor na ma-PR, siya naman, e, red!” pagbibigay pa ng clue ng aming source sa kanyang pagtatapos.

Ubos!

Kaya wala raw karapatang mang-isnab Alex namigay ng concert ticket na nilalangaw

Napakasuwerte pa rin ni Alex Gonzaga dahil ang mga taong natiyempuhan niyang isnabin ay mga edukado. Mapili sa mga salitang ginagamit sina Ken Chan at Rita Daniela.

Lumabas na ang katotohanan na tumango lang nang napakalamig si Alex nang lapitan siya nina Ken at Rita sa airport para sabihing sinusundan ng dalawa ang kanyang vlog.

Pinaniniwalaan ng mas nakararami nating kababayan ang kuwento ng pang-iisnab ni Alex kina Ken at Rita dahil ‘yun nga ang kanyang imahe.

Mahirap nang mabaklas kay Alex ang imahe ng pagiging taklesa, isnabera at simangutera. Sa maraming pagkakataon ay napatunayan nang ganu’n siya.

Pero ang suwerte ni Alex, ang mga kapwa niya artistang nakatikim ng malamig niyang pagtrato ay marunong mamili ng mga salitang isasagot sa mga tanong sa kanila, hindi diretso pero kumpirmasyon din ‘yun ng ginawa niya.

Binigyang-katwiran pa nga siya nina Ken at Rita, baka raw kasi nu’ng magkita sila ay pagod lang si Alex, baka may iniisip siyang iba kaya wala siya sa konsentrasyon.

Paano kung hindi mga taong edukado ang natagpuan ni Alex, paano kung isang barubal na personalidad ang natapatan niya, di nilait-lait na siya?

Paano kung isang mataray na artista ang natiyem­puhan ni Alex, e, di umaalingawngaw nang masasakit na salita ang inabot niya?

Parang naririnig na namin ang ibabalik na salita ng balahurang inisnab ni Alex, ang siguradong sasabihin nito, “Hoy, Alex, huwag kang isnabera! Wala ka pang napapatunayan! Di ba, nu’ng lakas-loob kang nag-concert sa Araneta Coliseum, e, ipinamigay n’yo na lang ang mga tickets dahil hindi makapagsimula ang show mo sa kawalan ng tao?”

Ganown!

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with