Sa tagal na walang ‘trabaho’ Jessy nanibago sa taping!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanibago si Jessy Mendiola sa paggawa ng teleserye.

Yup, aminado nga ang girlfriend ni Luis Manzano na hindi na siya sanay sa taping.

Kaya naman major adjustments ang ginawa niya sa Sandugo na isang makapangyarihang kwento ng dalawang pamilyang pinagbuklod ng isang nakaraang sinira ng kahirapan sa family drama series na mapapanood na sa Kapamilya Gold simula sa Lunes (Setyembre 30). Ito ang papalit sa Los Bastardos.

Kung sabagay 2015 pa ang huling regular series ni Jessy, ang You’re My Home with Richard Gomez and Dawn Zulueta.

“Ang totoo po niyan, hesitant po ako na mag-soap ulit kasi nawala na ‘yung nakasanayan mong gawin palagi, tapos marami kang nakakatrabaho. Kaya sobrang nanibago ako noong first few taping ko,” pahayag niya pa sa ginanap na presscon ng Sandugo the other night.

Umamin din si Jessy na muntik na talaga siyang lumipat ng GMA 7.

Kasama sana siya sa magtatapos na The Better Woman nina Derek Ramsay and Andrea Torres. Pero diumano’y nagkaroon ng issue sa negotiations.

Anyway, sa Sandugo, gaganap sina Ejay Falcon at Aljur Abrenica bilang magkakambal na magiging mortal na magkaaway, kasama sina Vina Morales, Ariel Rivera, Gardo Versoza, Elisse Joson, Jessy and Cherry Pie Picache.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with