^

PSN Showbiz

Matapos mag-aral manahi Dating beauty queen consistent sa pagiging armado ng plastic ‘pag may party!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagkakaisa ang lahat sa isang malaking umpukan na anuman ang mangyari ay hindi magugutom ang isang kilalang female personality at ang kanyang mga anak.

Mawalan man siya ng mga proyekto ay patuloy silang kakain sa oras dahil sa husay pumara-paraan ng popular na babaeng personalidad. Magaling siyang umisip ng paraan para sila mabuhay.

Kuwento ng aming source, “Hindi lang sa pagkain siya maaasahan, marami pa siyang ginagawang paraan para hindi sila magutom ng mga anak niya! Mahusay siyang pumaraan!

“Di ba, kapag nasa isang okasyon siya, e, hindi nahihiya ang female personality na ‘yun sa pagkuha ng mga food na maiuuwi niya?

“Armado na siya ng lalagyan, may dala-dala na siyang mga plastic, meron pa nga siyang baon na malaking bag na naitutupi para mapaglagyan ng mga iniuuwi niyang food!

“Naku, hindi siya nahihiya, meron pa nga siyang kuda habang kumukuha siya ng mga lafang, ang sinasabi niya, ‘Ang dami-daming nagugutom sa buong mundo, masasa­yang lang ang mga pagkaing ‘yan, kaya kesa sa masayang, iuuwi ko na lang!’

“Na totoo naman! Kesa sa mauwi sa wala ang mga food, mas maganda nang pakinabangan ‘yun ng mga anak niya, di ba naman?” unang kuwento ng aming impormante.

Pero hindi lang du’n sa mga pagkain natatapos ang kuwento tungkol sa galing pumaraan ng female personality. Kahit sa mga isinusuot niyang damit ay magaling siyang pumaraan.

Patuloy na kuwento ng aming source, “Bumili na siya ng makina, nag-aral na rin siyang manahi, kaya ‘yung mga dati niyang gowns at casual wear, nagagawa niyang bago sa paningin ng lahat!

“Wala na siyang pinagkakagastusang bilhin, mga dati niyang outfit ‘yun na ina-alter-alter lang niya, kaya nagmumukhang bago!

“Bumibili siya ng mga accessories, ‘yun na lang ang pinagkakagastusan niya, matiyaga niyang tinatastas ang mga gowns niya dahil nadadagdagan na siya ng timbang, nilalagyan niya ng mg bagong accessories, e, di mukhang bago na nga naman ‘yun!

“Kaya talagang mabubuhay ang babaeng ‘yun, hindi siya mahuhuli sa uso, marunong siyang pumaraan. Matibay ang apog niya, wala siyang pakialam kung pinagkukuwentuhan man siya kapag nag-uuwi siya ng mga food, ang nasa utak niya, e, hindi na niya bibilhin pa ang mga pagkaing pinagsasaluhan nilang mag-iina!

“At may koronang nakaputong sa ulo niya nang lagay na ‘yan, ha? Yes, isa siyang beauty queen!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alden marami agad pinaiyak!

Umiinit na ang daloy ng kuwento ng The Gift na pinagbibidahan ng Pambansang Bae na si Alden Richards. Nag-uumpisa na ang mga eksenang makapigil-hininga dahil nakikita na nang hindi sinasadya ni Alden bilang si Joseph ang kanyang tunay na inang si Jean Garcia.

Sa pinakahuling sultadang napanood namin ay mananawagan na sa KMJS si Joseph para matunton niya ang kanyang mga magulang. Natural, isang pangyayari ‘yun na iniyakan ng nagisnan niyang inang si Jo Berry, pati ng pekeng manghuhula niyang lolang si Elizabeth Oropesa.

Sa seryeng ito ay mararamdaman natin ang emosyon ng isang anak na nawalay sa kanyang ugat. Kahit gaano pa kaganda at kaayos ang ginagawang pag-aalaga sa kanya ng mga taong kumupkop sa kanya ay nandu’n pa rin ang paghahanap.

Hindi pa rin mapipigilan ang lukso ng dugo, ang pagka-miss sa sinapupunang nagluwal sa kanya, pero hindi niya naman binabalewala ang ginagawang pagmamahal sa kanya ng mga taong ni isang patak na dugo ay walang kuneksiyon sa kanyang buhay.

Sabi ng isang kaibigan naming gabi-gabi ring tumututok sa The Gift, “Ngayon ko lang napansin na ibang-iba ang mga mata ni Alden. Dati ko na siyang napapanood sa mga serye niya sa GMA-7, pero ngayon ko lang talagang napansin na may kakaiba sa mga mata niya.

“Nag-iimbita ng sympathy ang mga mata ni Alden, kapag tumingin na siya sa iyo, e, wala na, tunaw ka na,” papuri ng aming kaibigan.

At totoo ang posts ng kanyang mga tagasuporta, “Walang pinipiling anggulo ang tunay na guwapo! Kahit lumang damit lang ang suot niya, e, parang naka-suit pa rin si Alden!”

Naman!

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with