^

PSN Showbiz

Pacman gagastusan ng P100-m ang gagawing pelikula

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bongga ang gagawing pelikula ni Pambansang Kamao Sen. Manny Pacquiao. Pinamagatang Malvar, isa itong historical period movie na kukunan dun mismo sa pinangyarihan ng kuwento sa Batangas at ipo-produce ng JMV Production. Isang malaking pelikula ito na gagastusan ng hindi bababa sa P100-M. Si Jose Kaka Balagtas ang napili ni Pacquiao na magdirek ng movie.

Hindi ito ang unang pagsasama ng artista at direktor kaya gamay na nila ang pagtatrabaho ng magkasama. Wala pang kapareha ang kampyon sa boksing pero, gusto niyang si Judy Ann Santos ang makapareha niya. Sana magawan ng TV Drama Queen ng paraan para mapaluwag ang kanyang schedule, magsisimula na ang serye niyang Starla sa ABS-CBN at may ipo-promote itong Mindanao na pelikula nila ni Brillante Mendoza na may concentration muna sa abroad dahil isasali ito sa mga international filmfests na mas nagbibigay ng ibayong excitement sa aktres.

Napipisil din para makasama sa Malvar ang Mayor ng Maynila na si Isko Moreno at dating go­bernador ng Laguna na si ER Ejercito.

Liza at Enrique magsu-shooting sa set ng Game of Thrones!

Baka isa na namang blockbuster movie ang mu­ling magawa ni Direk Cathy Garcia-Molina na hindi pa marahil nahihimasmasan sa naging mala­king tagumpay ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na tinatayang highest grossing film of all time, toppling The Hows Of Us of Kathryn and Daniel Padilla.

Ang LizQuen naman nina Liza Soberano at Enrique Gil ang magiging bida niya sa next movie niya. Miss na ng mga supporter nila ang LizQuen both on the small and big screens and both are eager to start working on the project na sa ibang bansa partly kukunan sa Croatia.

Napili ito ng produksyon dahil kakaunti lamang ang mga Pilipino na nani­nirahan at nagtatrabaho dito at ito ang kinakailangan ng pelikula. May pamagat na Make It With You, ang latest project ni Molina na ang titulo ay kinuha sa isang hit song ng Bread.

Andrea at Derek hinahanap na ang yakapan

Hindi madi-disappoint ang mga suki ng The Better Woman ng GMA dahil muling patutunayan ng istorya na walang masamang nagtatagumpay sa mundo. Sa pagtatapos ng serye sa linggong ito magkakaro’n ng magandang ending ang marriage nina Andrew (Derek Ramsay) at Jasmine (Andrea Torres) baka hindi lamang sa serye kundi maging sa likod ng kamera.

Dahil doble ang kanyang role, ang isa ay ang salbaheng si Juliet na mabibigyan ng kanyang karampatang kaparusahan sa kuwento halos magkasama na literally ang dalawa na palagi nang magkaeksena.

Nakasanayan na ng dalawa na magkita araw-araw sa trabaho, si Andrea ay mami-miss ang mga yakap sa kanya ng hunk aktor kapag hindi na sila magkasama sa eksena. Paano pa kapag tuluyan nang nagtapos ang serye?

Fries hindi na pang masa ang presyo

Para namang napaka-mahal ng presyo ng spicy fries ng isang fastfood chain. Yung pinakamura na nagkakahalaga ng P49 ay kakaunti ang laman at napakanipis pa ng mga slices.

Kung gusto mo ng marami-rami magdagdag ka ng bayad.

‘Di ba dapat affordable ito sa masa, sa mga istudyante na kakapiranggot lang ang baon? Sabi nga ng mga nakasabayan kong pumila para bumili nito ay pupunta na lang sila sa kalabang fastfood dahil pareho lang naman ang lasa.

‘Di ko alam yun, ah!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with