Sharon unti-unti nang nababayaran ang more than half a billion na utang!
Physically, tired, emotionally and psychologically drained na
Umamin si Sharon Cuneta na umabot sa more than half a billion ang utang niya.
At ito ang rason kung bakit nagkaroon siya ng depression.
Pero ngayon daw ay down to hundreds of thousands na ang nasabing utang dahil naayos naman niya ang investments niya.
Kinumpirma rin niya ang semi-retirement niya.
“I was not only physically tired, but also emotionally and psychologically drained.
“And I wouldn’t allow showbiz to eat my soul,” sabi niya tungkol sa kanyang decision na mamili na lang ng mga tatanggapin niyang trabaho.
Nag-iba na raw kasi ang landscape sa showbiz at ayaw niyang mag-adjust sa pagbabago nito.
Kahapon nga ay humarap sila ni Regine Velasquez sa entertainment media for their Iconic concert sa October 18 and 19, Araneta Coliseum na first time na mangyayari sa concert scene.
Ubos na ang tickets sa VIPs kaya malaki ang possibility na magkaroon agad-agad ito ng repeat.
- Latest