Ang Henerasyon…nina Jerome, Jane at Tony, nanakaw ng imagination!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2019 - 12:00am

Ang Henerasyong Sumuko Sa Love nina Jerome Ponce, Tony Labrusca at Jane Oineza ang next offering ng Regal Entertainment Inc.

Sa October 2 na ang showing ng pelikula sa mga sinehan at base sa mga feedback na naririnig ko, mukhang maganda ang naturang project dahil very now ang istorya at ang mga dialogue ng mga karakter.

‘Yung tipo ng usapan ngayon ng mga kabataan kaya swak na swak sa panlasa ng moviegoers, lalo na ng millennials.

Ang Henerasyong Sumuko sa Love ang klase ng pelikula na tumatakaw sa imagination ng mga manonood kaya gustung-gusto nila.

Tulad ng Cuddle Weather na talagang natuwa si Mother Lily Monteverde sa resulta sa box-office, parang ganito rin ang magiging outcome ng Ang Henerasyong Sumuko Sa Love. Watch natin, mukhang matutuwa tayo.

Sharon at Gabby nagkasundo para sa mga guro!

Tuwang-tuwa pala ang mga teacher na dumalo sa 12th Gabay Guro Grand Gathering na ginanap sa Mall of Asia Arena noong Linggo dahil muling nagsama sa stage ang ex-couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ang akala kasi ng fans, hindi na magkakasundo ang dating mag-asawa dahil nagkaroon sila ng malaki at malalim na tampuhan noong nakaraang taon kaya hindi natuloy ang pelikula na pagsasamahan nila.

Pero all’s well that ends well dahil kinanta nina Sharon at Gabby sa Gabay Guro ang Come What May na ginamit nila noon sa promo ng kanilang unang pelikula, ang Dear Heart.

Thanks to Gabay Guro Chair Chaye Cabal-Revilla dahil siya ang nag-imbita kina Gabby at Sharon. If not for her, hindi mangyayari ang reunion at reconciliation nina Sharon at Gabby na nagpasaya sa kanilang mga tagahanga.

‘Showbiz is tinted now with sadness’

For sure, a certain sadness will fill the air of any showbiz gathering now. Isa si Isah Red sa laging present sa mga presscon kaya we will surely miss his presence.

Sa mga direktor naman, isa si Mel Chionglo sa pinaka-friendly kaya matindi ang feeling of his loss among his collegues.

To think that Christmas is just around the corner na isa sa pinaka-happy event sa mga taga-showbiz pero tainted now with sadness.

But life is like that, kahit ano pa ang sadness it will go on. We remember them, pray for them, but we also continue with our lives.

Super Tekla hindi nakakalimot sa magulang

Gusto ko talaga ang life story ni Super Tekla dahil hanggang ngayon pala Salve, talagang tinutulungan pa rin niya ang kanyang tatay na naninirahan sa probinsiya.

Nakakatuwa na takot pala na bumiyahe ang tatay niya kaya hindi pumupunta sa Maynila para man lang mapanood sana ng personal ang kanyang anak na si Super Tekla.

You know, ang kuwento ng mga anak na hindi nakakalimot tumulong sa mga magulang nila, mga anak na patuloy na nagtatrabaho para sa pamilya ang usually passionate sa kanilang mga career.

Ginagawa talaga nila ang lahat para magtagumpay kaya nabigyan si Super Tekla ng malaking chance ng GMA-7.

Dahil sa malaking tulong ni Rose Conde, naging maliwanag ang showbiz path ni Tekla kaya lalo itong nagtatagumpay.

Suportahan natin sa September 25 ang Kiko en Lala, ang launching movie ni Super Tekla dahil sure ako na maaaliw kayo.

JANE OINEZA JEROME PONCE TONY LABRUSCA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with