^

PSN Showbiz

Aktres na magbabalik-pelikula, magpapa-detox muna bago sumabak sa shooting abroad!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May mga nagtanong sa isang pamosong female personality kung tuloy na tuloy na ba ang pagbabalik-pelikula niya? Ang sagot niya ay oo raw, tuloy na tuloy na, nag-iimpake na nga raw siya para sa gagawing shooting ng pelikula sa ibang bansa.

Pero may mga impormante namang nagsasabi na ang paghahanda ng kilalang female personality ay hindi para sa shooting, totoo raw na paalis siya, pero ang kanyang destinasyon ay sa isang bansa lang sa Asia.

Kuwento ng aming impormante, “Hindi pa ‘yung shooting na sinasabi niya ang pinaghahandaan niya, kailangan pa muna niyang magpunta sa isang country sa Asia.

“May proseso pa siyang pagdadaanan, matagal-tagal din ‘yun, dahil intensive ang process na kailangan gawin sa kanya.

“Du’n din sa mismong lugar na ‘yun nagpunta at nag-stay ang ibang personalities na may ipinagawa dahil na-involve sila sa isang bisyo.

“Detox ang pinaghahandaan nu’ng female personality, hindi ang sinasabi niyang shooting na ng pelikulang gagawin nila ng isang male personality. Hindi pa ‘yun. Kapag naging okey na siya, saka pa lang matutuloy ang ipinagmamalaki niyang project,” unang kuwento ng aming source.

May duda ang mga impormante na ang humiling ng prosesong ipagagawa niya sa isang bansa sa Asia ay ang mismong mga namamahala sa gagawin niyang pelikula.

Patuloy ng aming source, “Marami na kasing kuwento tungkol sa kanya na na-confirm naman ng mga taong nakakasama niya. Hindi pa siya maa­yos, kailangan pang gawin ang process na sasadyain niya sa bansa sa Asia.

“Siguro, ‘yun din ang suggestion ng mga production head, kailangang malinis na malinis na muna siya bago gawin ang project. Malaking problema kasi kung magtatrabaho na siya nang meron pa palang problema sa kanya.

“’Yun ang dahilan ng pag-iimpake niya, ‘yun ang pinaghahandaan niya, hindi ang pagpunta na sa isang bansa kung saan gagawin ang shooting ng movie nila ng isang pamosong male personality.

“Detox muna bago work,” malinaw na pahayag ng aming source sa kanyang pagtatapos.

Ubos!

Alden maraming kinanselang schedule para maki-fiesta!

Magiging masayang-masaya ang pagdiriwang ng fiesta ng mga taga-Poblacion, San Rafael, Bulacan sa darating na Sabado. Siguradong dadayuhin ang kapistahan ng San Rafael Arkanghel dahil sa matinding sayang ibibigay ng mga artistang inimbita ng kanilang kababayang si Tita Flory Estrada.

May mga kaibigan na kaming nagtatawagan ngayon, nakatira sila sa Malolos, Sta. Maria, Pandi at Norzagaray, dadayuhin nila ang fiesta ng San Rafael para makita nang personal ang kanilang iniidolong si Alden Richards.

Sinuwerte si Tita Flory, hindi na pupuntahan ni Alden ang mga nakakalendaryo sana niyang trabaho, pinagbigyan ng Pambansang Bae ang aming imbitasyon dahil siya talaga ang hinihiling ng mga taga-San Rafael, Bulacan.

Makakasama ng Pambansang Bae sa gabi ng September 28 sina Valeen Montenegro, Eva Eugenio at J Brothers (Jay, Joy, Jim Jimenez) para maging masaya at masigla ang kapistahan.

Makikilala na namin nang personal si Father Rainnielle Pineda, ang kura paroko ng San Rafael Arkanghel, at ang katuwang nitong pari na si Father Alvin Pila.

Masarap makipamiyesta kina Tita Flory dahil napakasarap mag-estima ng kanyang pamilya sa mga bisita. Sabi nga ni Manay Lolit Solis, “May datung na sila, may pabigas at gulay pang pabaon si Tita Flory!”

Sa kanyang resthouse nagpahanda ng kanyang lugar na pinalilibutan ng mga puno ng mangga, avocado at rambutan na nagkakalaglagan lang at hindi naman nito ibinebenta.

Ipinangreregalo lang nito ang mga prutas, maraming kaibigan sa showbiz si Tita Flory dahil ang kanyang katwiran, “Mas maganda ‘yung maraming nagdarasal para sa atin.”

Totoong-totoo naman dahil walang patid ang buhos ng mga biyaya sa buhay ng ­aming tita-kaibigan.

Maligayang fiesta po sa mga taga-Pob­lacion, San Rafael, Bulacan. Magkikita-kita po tayo sa Sabado nang gabi para sa isang hindi malilimutang pista ng inyong bayan!

vuukle comment

FLORY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with