^

PSN Showbiz

Direk Joel tinuloy ang birthday celeb kahit nagluluksa, Mother Lily ayaw na ng kaaway

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Direk Joel tinuloy ang birthday celeb kahit nagluluksa, Mother Lily ayaw na ng kaaway
Joel Lamangan

Baka bukas wala na raw

Nagluksa ang showbiz nung nakaraang Sabado sa halos magkasunod na pagpanaw ng dalawang minahal sa showbiz na si Isah Red at direk Mel Chionglo.

Ang isa sa apektado nang husto ay si direk Joel Lamangan dahil bestfriends sila ni direk Mel.

Bukod sa nagulat, lalo siyang nalungkot dahil isinabay pa raw ito sa kaarawan niya.

Sandaling naka­tsikahan nga namin si direk Joel sa kanyang birthday dinner na ginanap sa Alba’s Restaurant sa Tomas Morato, QC nung nakaraang Sabado at apektado raw siya talaga dahil itinaon pa raw ito sa kaarawan niya.

“Napakalungkot. Itiniyempo pa niya. Dapat narito siya eh.

“Malungkot dahil iyong barkada kong dalawa, nauna na, si Gil (Portes) saka siya.

“Kami ang lumalabas, kumakain parati. Wala na silang dalawa. Napakalungkot,” malungkot na pahayag ni direk Joel na dapat masaya siya sa kanyang kaarawan.

Nandun din si Mother Lily Monteverde na malungkot din dahil sa kanya rin nagsimula si direk Mel, at close rin siya kay Kuya Isah.

“It’s very sad for him to pass away. He was supposed to do a movie sa akin. Pinapasulat pa kay Ricky Lee,” sabi naman ni Mother Lily.

Ang isa pa sa ikinalulungkot niya, ang dami na raw na mga katrabaho niya sa Regal na nagkawalaan na.

Kaya sabi nga ni Mother, ayaw na raw niyang magpa-pressure. Ayaw na rin niyang may kaaway o nakasamaan nang loob. Dapat daw nagmamahalan na lang dahil hindi mo alam, bukas wala ka na.

Kahit nga napa-flop ang ibang pelikulang ginagawa ng Regal, okay lang sa kanya. Ang mahalaga, gawa pa rin daw sila nang gawa ng mga pelikula para may trabaho pa rin ang mga tao niya.

Dapat daw positive na lang, at huwag na i-entertain ang mga away-away.

Si direk Joel naman, gusto niyang madalas na nakikita ang mga kaibigan.

“Naku! Diyos ko! Pag ganitong edad na, dapat magkita-kita na tayo! Palagi tayong nagkikita dapat,” pakli ni direk Joel.

Masaya na rin si direk Joel sa kanyang birthday celebration nung nakaraang Sabado dahil dumalo ang mga malalapit na kaibigang inaasahan niyang maging bahagi sa kanyang pagdiriwang.

Ilan sa mga namataan naming naki-birthday sa kanya ay sina Tita Annabelle Rama at Tito Eddie Gutierrez, Elizabeth Oropesa, Lovi Poe, Fanny Serrano, direk Joey Reyes, Madam Baby Go, Harlene Bautista, Ricky Davao at iba pang mga nakatrabaho niya.

Si Mother Lily naman ay masaya na sa resulta ng pelikula niyang Cuddle Weather na mahigit P10-M na rin ang kinita.

Pagkatapos nito ay magpu-promote na raw siya ng susunod niyang pelikulang Henerasyon ng mga Sumuko sa Love na nakatakda nang mag-showing sa October 2.

Parang tomboyan? Franki Russel at Diana Mackey patok ang ‘loveteam’

Kinagat ng fans ng PBB ang tinawag nilang Kiwi sisters na sina Franki Russel at Diana Mackey.

Nag-trending sila sa Twitter na minsan ay tinalo pa nila ang MayWard loveteam.

Nagustuhan ng mga netizen na parang gusto silang gawing loveteam.

Aminado kasi si Diana na nakikipag-date siya sa girls, pero nilinaw niyang close friends lang talaga sila ni Franki.

Kahit din naman si Franki ay nilinaw niyang sa boys pa rin talaga siya at ayaw niyang makipagrelasyon sa kapwa babae.

“I’ve always been…men talaga,” napapangiting pahayag ni Franki nang sandali naming nakapanayam sa Misters ng Filipinas na ginanap sa Flying V Oil San Juan Arena kamakalawa nang gabi.

Natutuwa lang daw siya sa mga fans na gustung-gusto silang dalawa at may kilig-kiligan pa. Magkasama na sila ngayon sa Ang Probinsyano at tuwang-tuwa rin si Franki na nakatrabaho niya si Coco Martin.

Dahil sa lakas ng Frankiana love­team nina Franki at Diana, kinukuha sila ngayon ng isang Spanish magazine na Padrisimo.

vuukle comment

JOEL LAMANGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with