^

PSN Showbiz

Juday first time lalaban sa iba’t ibang film festival

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Juday first time lalaban sa iba�t ibang film festival
Juday

Malapit nang mapanood sa ABS-CBN ang teleseryeng Starla na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos. Noong isang taon pa nagte-taping ang aktres para sa bagong soap opera kaya sobrang excited nang mapanood ito ng kanyang mga tagahanga at maging ang kanyang buong pamilya. “We’re very excited because it’s so timely. It’s stars and it’s Christmas. The story is about hope about forgiveness, about your faith, about family. I want to make a teleserye that my children could watch,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap ang young superstar bilang kontrabida sa isang proyekto. “First time ko in my whole life in being an actress to start a teleserye nang mayaman na ako. Ang tigas ng leeg ko talaga sa mga eksena. Kasi ‘pag api-apihan ka, nakatungo ka. ‘Pag kontrabida ka, kailangan taas-noo ka eh,” paglalarawan ng aktres.

Bukod sa nasabing serye ay magbibida rin si Juday sa pelikulang Mindanao na makakalahok sa 24th Busan International Film Festival sa susunod na buwan. “It’s a first for me, doon ang world premiere ng Mindanao. Ito pa lang ‘yung first na talagang ilalaban sa iba’t ibang festivals,” pagmamalaki niya.

Samantala, nakatakdang ilaan ni Judy Ann ang kikitain mula sa dalawang designer gowns na kanyang isinuot sa ABS-CBN Ball 2018 at 2019 sa Bantay Bata 163.

 Kasalukuyang nagbi-bidding para dito sa pamamagitan ng Facebook page ng aktres. “Right now, nagbi-bid kami sa official Juday Facebook page. They could leave a direct message doon. There’s information there on how to join,” pagtatapos ni Juday.

Maymay may investment na rin sa ibang bansa 

Tatlong taon pa lamang sa show business si Maymay Entrata. Marami-rami nang nagawang proyekto ang dalaga kaya naman nakapagpundar na rin para sa kanyang pamilya na nasa probinsya. “Sa Camiguin po ‘yung bahay, patapos pa lang. Blessing na rin po ‘yung sasakyan. Kasi hindi namin akalain na sa endorsement kasama na po siya doon,” pagbabahagi ni Maymay.

Nabilhan na rin umano ng aktres ng sariling bahay ang inang naninirahan sa Japan. Magtatatlong dekada na ang ina ni Maymay sa Japan bilang isang OFW o overseas Filipino worker. “Kasi po ‘yung mama ko no’ng nakita niya ‘yung bahay naiyak siya. Kasi twenty eight years na siya do’n sa Japan. Tapos nagre-rent pa rin sila. Kasi ang mahal po ng renta doon. So ngayon naiyak siya kasi may sariling bahay na siya at hindi niya akalain na magkakabahay pa siya. Tapos masaya rin ‘yung kapatid ko na bunso,” paglalahad ng aktres. Reports from JCC

vuukle comment

JUDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with