^

PSN Showbiz

Maine walang pahinga, lumagare kina Bossing at Carlo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maine walang pahinga, lumagare kina Bossing at Carlo

Nai-tweet na lang ni Maine Mendoza ang bonggang lagare niya nung kamakalawa lang.

Dalawang pelikula ang magkasabay na sinu-shoot niya nung araw na iyun.

Nagsimula muna siya sa Isa Pa With Feelings sa umaga, pagdating ng hapon, may kinunan siyang isang eksena kasama si Vic Sotto sa hapon para sa Mission Unstapabol, tapos balik na naman siya sa pelikula nila ni Carlo Aquino.

Pagdating ng gabi, balik na naman siya sa Mission Unstapabol para sa eksena nila ni Mayor Lani Mercado.

Si Lani ang gumaganap na ina niya at sa gabi lang din libre ang schedule niya.

Kaya pagdating ni Mayor Lani ng set, itinawid na uli dun si Maine para sa eksena nila.

Bago mag-alas-dose nang hatinggabi, ipinack-up na siya dahil balik pa siya uli sa ilang eksena niya sa Isa Pa With Feelings.

Hindi lang daw nila alam kung kukunan pa ba ang underwater scene niya.

Kaya nag-tweet na lang si Maine ng; “From Isa Pa With Feelings to Mission Unstapabol real quick.

“Buhok-kain-tattoo time for Claire! Isang eksena dito tapos balik ulit sa kabila bilang Mara! Ano Meng, kaya pa ba? #SegueDiaries.”

Si Claire si Maine sa Mission Unstapabol at gina­gampanan naman niya si Mara sa Isa Pa With Feelings.

Kaya hindi na nga gaanong nakapag-Eat Bulaga si Maine dahil nga sa dalawang pelikulang ginagawa niya.

Sa October na ang showing ng Isa Pa With Feelings, kaya tinatapos na nila ito.

Maganda ang feedback sa trailer at kaabang-abang. Kaya ang bilis nag-trending ang trailer nitong pelikula nila ni Carlo Aquino.

Lechon Boodle Fight, star-studded

Star-studded ang Lechon Boodle Fight na in-organize ni Pinky Tobiano ng Progressive Laboratories, Qualivet Testing Service Corp at ang KPP Powers Commodities, Inc. na ginanap sa Multi-purpose Covered Court ng Barangay Veterans Village sa Project 7, Quezon City.

Mga talents ng Cornerstone ang karamihang dumating dahil sa suporta ni Erickson Raymundo kay Pinky.

Sina Erik Santos, Angeline Quinto, Kyle John Echarri ng Kadenang Ginto at iba nilang bagong talents.

Dumating din si Super Tekla na aminadong baboy lover.

Pamilya pa raw sila ng mga magsasaka at ang mga magulang niya ay nag-aalaga ng baboy kaya buo raw ang suporta niya sa mga pig farmer  na apektado sa isyu ng African Swine Fever.

“Safe naman po talaga ang kumain ng baboy.

“Isolated case lang po yan, na-magnify lang siguro ng mga balita.

“Kaya huwag po tayo matakot. Safe po kumain ng baboy,” pahayag ni Pinky.

Isa pa sa kailangan daw maghanda ng baboy ay si Angelline Quinto.

“Kasi pag Pasko ako talaga ang nagluluto sa bahay, at kailangan may lechon. Kaya kailangan talaga ng baboy,” pakli ni Angeline.

Tuwang-tuwa naman ang mga pig farmers, ang mga nasa swine industry dahil sa Lechon boodle fight na ito, maipaparating sa taumbayan na puwede talagang kumain ng baboy.

vuukle comment

MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with