^

PSN Showbiz

The Clash bakbakan na

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sana nga ay mapasikat ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime ang mapipi­ling ika-4th grand winner nila. Sa ngayon ay nararamdaman na siguro nila ang malaking kabawasan ng mga manonood ng kanilang singing contest dahil lubha nang napakatagal ng proseso ang ginagawa nilang paghahanap ng mapipiling resbaker na makakasama sa grand finals ng TNT. Baka by the time na mangyari ito ay wala nang boses ang winning resbaker at maging ng mga matagal nang naka-standby na grand finalists. Sana rin ay magawa nilang mapasikat ang sino mang mananalong 4th grand TNT champion para mabawi ang kasikatan ng kanilang singing contest. Matatandaan na so-so lamang ang kinahinatnan ni Noven Belleza at maging ng napiling kid champion na magaling naman pero, nagkulang sila ng concentration kay John Clyd Talili at mas nag-focus sila sa TNT Boys nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Kiefer Sanchez na baka kung inalagaan din nila ay naging isa ring malaking tagumpay.

Susunod nang eere ang pangalawang season ng The Clash ng GMA na maghahanap din ng mga kalahok sa abroad.

Dapat din credible ang mga uupong hurado. Sina Rayver Cruz at Julie Ann Jose ang magsisilbing Clash Masters, sina Ken Chan at Rita Da­niela ang Journey Hosts. Si Golden Canedo ang grand champion ng unang serye ng The Clash.

Richard at Kim apektado sa role

Naaapektuhan na sina Richard Yap at Kim Molina ng mga salbaheng karakter nila sa Kadenang Ginto. Si Kim nga ay napaiyak pa dahil sa ilang mga below the belt na banat na tinatanggap niya na ikinababahala ng kanyang fans dahil baka makaapekto sa kanyang launching film na Jowa­ble. Ganun din si Sir Chief na hindi malaman ng manonood kung bakit biglang nagkaro’n ng malaking pagbabago ang role na patungo sa pagiging kontrabida, eh ayaw nilang bad ang favorite leading man ni Jodi Sta. Maria, mas gusto nilang mabait ito kaysa salbahe. Kaya nga, for the meantime, masanay na sila sa bashings na tinatanggap nila from the netizens.

DZMM mediacon masaya ang kuro-kuro 

Isa na marahil sa pinakamasaya at educational mediacon na nadaluhan ko ay yung sa DZMM 630 TeleRadyo na kung saan ay nakaharap ng ilang piling entertainment writers and columnists ang mga nasa likod ng matatagumpay na programang Dr. Love Radio Show ni Bro. Jun Banaag, na hindi pala isang pari kaya pala Bro ito at hindi Fr. Tatanungin ko pa sana siya kung ano ang  kredibildad  niya para magbigay ng payo sa mga may suliranin sa puso at pag-ibig gayong bilang isang inaakala kong  pari ay hindi ganun kalawak ang kaalaman nila sa bagay na may kinalaman sa affairs of the heart..Hindi pala siya isang pari at kundi isang ama at haligi ng tahanan na dumaan sa marubdob na problema kaya matapos niya itong mapagtagumpayan ay nakakapagbigay na siya ng mga solusyon sa mga suliranin ng mga listeners niya.  

Marami rin akong natutunan kay Dr. Bles Salvador na anchor ng Dr. Bless at Ur Sebis na isa palang OB Gyne at nakakapag-opera ng maraming tagapakinig niya kahit wala silang pambayad sa operasyon. Kay Atty. Claire Castro at sa kapartner niyang si Mare Yao na nagtuturo ng mga basic na kaalaman sa batas sa kanilang programang Usapang de Campanilla.

Nabigyan din nila ng kalinawan yung malaking problema ko sa real property tax na ang huling limang taon lang pala ang kinakailangan kong bayaran at hindi ang buong 10 taon na hindi ako nakapagbayad ng buwis para sa aking bahay at lupa. 

Pinakamasaya ang naging palitan ng kuro-kuro sa Sogie Bill at ang problema ng mga taga-LGBT, hindi lamang sa paggamit ng CR kundi maging sa paghahati ng mga propyedad na accumulate ng mga LGBT partners habang magkasama sila. Ang gagaling nila, kaya pala marami ang nakikinig at nanonood sa kanila sa mara­ming taon ng pagsalang nila sa radyo at TV at pagtulong hindi lamang sa pamamagitan  ng public service kundi  sa pagbabahagi ng kaalaman sa kanilang fields of expertise. Mapapakinggan ang Dr. Love Radio Show, Lunes hanggang Biyernes, 11NG, Dr. Bles At Ur Serbis, Linggo 6NG at Usapang de Campanilla, Lunes - Biyernes, 9NG. 

Volleyball team pwede pang bumawi

Talo pala ang ating National Women’s Volleyball Team sa Indonesia sa unang salpukan nila para sa ASEAN Grand Prix. Oh eh ano, may ibang laban pa naman sila, dun na lang sila bumawi. Gusto lang naman ng mga kababayan natin na makita silang maglaro para malaman ang kakayahan nila vs. our Asian neighbors. Sa volleyball tayo may pag-asa na makilala kundi man sa Asya ay sa buong mundo.

Star Cinema inaabangan kung papatusin si Marian

Patusin kaya ng ABS-CBN ang sinabi ni Marian Rivera na bukas ito sa paggawa ng pelikula sa Star Cine­ma, film arm ng Kapamilya network? Tanggapin kaya ng kalabang network ng GMA ang ibinigay niyang challenge? At sino kayang Kapamilya leading man ang bagay itambal sa kanya?

vuukle comment

THE CLASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with