^

PSN Showbiz

Gf ng aktor winasak ang iniregalong salamin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Curious lang kami, inalam kaya ng aktres sa aktor kung ano ang nangyari sa ibinigay niyang Rayban sunglasses sa aktor bilang friendship gift at bilang pasasalamat na maganda ang naging working relationship nila while doing a project together?

Nagselos kasi ang GF ng aktor nang malamang binigyan ang BF ng Rayban ng nakaparehang aktres at sa tindi ng selos, sinira nito ang Rayban. Nagkikita pa ang aktor at ang aktres na nagbigay sa kanya ng Rayban dahil nagda-dubbing sila ng ginawa nilang pelikula at dahil iisa ang kanilang network.

Siguro naman, kukumustahin ng aktres ang Rayban sa aktor at tatanungin ang aktor kung bakit hindi niya ginagamit. Ano kaya ang isasagot ng aktor ‘pag nangyari ‘yun, anong alibi ang sasabihin niya?

Actually, walang dapat ipagselos ang aktres dahil mahal siya ng boyfriend at tumino ito nang maging sila. Ang aktres na nagbigay ng Rayban ay may dyowa na matagal na and they are very much in love.

Janine sinisikreto ang sunod na biyahe

Nanalo ang Kapuso All-Star Basketball Team laban sa best players ng U.A.E. sa laban nila last Setyembe 20, sa Shabab Al-Ahli Sports Club. Una naming napanood sa IG Story ni Janine Gutierrez ang magandang balita, ang Kapuso actress ang muse ng Kapuso Team at kahit kagagaling lang sa New York sa pagdalo ng New York Fashion Week, lumipad agad siya pa-Dubai.

Tiyak na nagkaroon ng kantyawan kung sino kina Mikael Daez, Kristoffer Martin, Andre Paras, Rocco Nacino, Mike Tan, Derrick Monasterio at Mark Herras ang suwerte. Malamang na may magsasabing suwerte rin si Janine na kanilang muse.

Speaking of Janine, habang wala pa siyang teleserye, panay muna ang biyahe nito.

Nabanggit nito na after Dubai, may isa pa siyang trip abroad na hindi pa sinabi kung para saan. Kapag naman nasimulan na ang movie nila ni Paulo Avelino at ‘pag nagkaroon ng bagong teleserye sa GMA-7, matitigil muna ang biyahe ni Janine.

Mikee pasado sa pagka-in love kay Alden

In fairness, may natutuwa at may nagsi-ship sa tambalan nina Alden Richards at Mikee Quintos sa The Gift at mas bet daw nila ang love team ng dalawa kesa sa love team nina Alden at Thia Tomalla.

Natutuwa sila kay Amor (Mikee) na secretly in love sa kababata niyang si Sep (Alden) na ang nakakaalam lang ay ang kababata nilang si Bistek (Mikoy Morales). Ang daming nakaka-relate sa karakter ni Mikee dahil nangyari sa kanila na ma-in love sa kababata o kaibigang lalake, pero unreciprocated. May nagsi-ship na nga sa kanila ni Alden, pero hanggang sa teleserye lang, hindi dapat magalit at awayin ng fans si Mikee.

Nagugustuhan din ng viewers si Mikee dahil keri ang karakter ni Amor at hindi nagpapahuli sa acting kina Alden, Mikoy, Jo Berry at Elizabeth Oropesa.  

May mga nag-comment nga na consistent sa husay umarte si Mikee na napanood din nila sa Onanay at dito sa The Gift.

Cologne ni Zia mabenta

Ayaw talaga patalo ni Zia Dantes dahil bukod sa endorsement at TVC ng Nido at Wilkins Bottled Water, endorser na rin siya ng McDonald’s, nag-shoot na sila ni Marian ng TVC and any day now, airing na ang TVC. Napanood namin ang TVC, pambata siya, masaya at birthday party ang concept, magugustuhan ng mga bata.

Bukod doon, nasa market na rin ang Zia Dantes’ Baby Bench scents in different scenes. May pangalan ni Zia ang packaging ng baby cologne and in different colors pa ang bottle. Ito ‘yung sinabi ni Marian dati na cologne endorsement ni Zia, nasa market na pala.

vuukle comment

SALAMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with