Lovi Poe naging masunurin
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 4:25am

MANILA, Philippines — Trabaho na uli ang inaatupag ni Lovi Poe.

Yup, agad-agad nga siyang nagbalik-bayan matapos maalaman na may trabaho na siya sa GMA 7.

Ngayong hapon ay bibida si Lovi sa second anniversary presentation ng weekly afternoon drama anthology, Tadhana hosted by Marian Rivera.

Matagal-tagal din nag-chill ang tinuturing na Premier Drama Actress kasama ang boyfriend na si Montgomery Blencowe na isang British executive producer na based ngayon sa Los Angeles.

Bibida siya sa inspiring story ng CEO maid na si Myrna, a former seaweed diver from Bohol na ni-recruit para maging entertainer sa abroad. Pero na­ging biktima siya ng human trafficking. She survives the ordeal and finds herself in Hong Kong working as a domestic helper. Pero naging mabait ang kanyang amo at tinuruan siyang gumamit ng computer.

Bitbit ang mga natutunan, nang bumalik siya ng bansa na­ging CEO siya ng kanyang sariling BPO company na umasenso.

Actually, gusto na raw talagang mag-drama uli ni Lovi kaya nang malaman niya ang Tadhana, bumalik siya ng ‘Pinas para gawin ang buhay ni Myrna.

Kaya naman ayon sa malapit sa actress, ganado ito at bigay na bigay sa mga eksena.

Kung sabagay, isa si Lovi sa mga totoong actress. Sana nga magkaroon na uli siya ng teleserye sa Primetime ng GMA.

Teka baka puwede si Lovi na mag-portray ng Dra. Kang (Song Hye-kyo) sa local adaptation ng Descendants of the Sun na pagbibidahan ni Dingdong Dantes bilang matagal siyang hindi napanood ng regular.

Si Jennylyn Mercado ang nababalitang magi­ging partner ni Dingdong.

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with