Mayor Isko
Mayor Isko paparangalan ng Harvard
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

Ikinasal kahapon sa Manila Cathedral si Ice, ang anak ni Malou Martinez ng Kikay Girls. Nakita ko na uli ang paligid ng Manila na matagal nang hindi ko napapasyalan mula nang dumalo ako sa kasal nina Alfred at Yasmine Vargas sa Manila Cathedral noong July 2017.

Tuwang-tuwa ako sa balita na tatanggap ng special award sina Papa Ramon Ang at Manila Mayor Isko Moreno sa Harvard University sa October 2019 at ang naatasan mag-relay ng invitation ay si Pinky Tobiano-Robles. Bongga di ba?

Ang parangal ng Harvard University ay isang malaking pagkilala sa mga nagawa ni Mayor Isko para sa City of Manila sa maiksi na panahon ng kanyang panunungkulan at kasama niya si Papa Ramon sa tatanggap ng award.

Tiningnan ko kahapon ang mga sinasabi na changes around Manila dahil kung may nakita ako na mali, magsusumbong ako kay Papa Cesar Chavez, ang napakahusay na namamahala sa press office ng Manila.

Fully informed si Papa Cesar sa lahat ng mga nangyayari at alam niya lahat ang mga naghahanap ng service. Bongga Papa Cesar, good work talaga.

Pinky magpapakain ng lechon, Mommy D mahilig sa karneng baboy

Bongga rin ang pagiging charitable ng rich kind beautiful friend natin na si Pinky Tobiano-Robles, Salve.

Naawa siya sa meat vendors at businessmen na affected ng maling info tungkol sa African Swine Fever kaya ngayong Sabado, magkakaroon siya ng boodle fight at nilitson na baboy ang ihahain at ipapakain niya sa lahat ng mga imbitado sa isang basketball court sa Project 7 na malapit sa Qualibet, ang kanyang testing laboratory.

Si Pinky ay isang lady na may mala­king puso para sa mga nangangailangan at sa mga matatanda.

Every year, ipinag­diriwang niya ang kanyang kaarawan sa piling ng mga residente ng Home for the Aged. May malaking party siya at ang mga orphaned senior citizens ang kanyang mga special guest.

Ngayon naman, awang-awa si Pinky sa mga hog dealer, maliliit na meat vendors, mga negos­yante na pag-aalaga at pagbebenta ng baboy ang ikinabubuhay na luging-lugi na dahil sa takot ng mga kababayan natin sa African Swine Fever at sa maling information na nasasagap nila.

Hindi pala apektado ng mga tested meat ang health ng kakain. Tested naman ng veterinarians at ng laboratory ng Qualibet ang mga karne na ibinibenta.

Para patunayan na safe kainin ang mga karne, magkasama na namili ng karne sa palengke sina Pinky at Mommy Dionisia Pacquiao.

Mahilig pala si Mommy D sa pork chop kaya ito ang binili niya sa market trip nila ni Pinky.

Ang pagbili ni Mommy D ng pork chop ang patunay na walang dapat ikatakot ang consumers dahil safe at ligtas sa African Swine Fever ang mga baboy na ibinibenta sa mga supermarket at palengke sa Pilipinas.

Kasama ni Mommy D sa pagbili ng pork chop ang kanyang boyfriend na si Michael Yamson.

Going strong ang relasyon nina Mommy D at Michael dahil limang taon na rin ang pagsasama nila. Sana, hindi maranasan nina Mommy D at Michael ang proverbial seven-year itch na nangyari sa ibang mga couple na hindi tumagal ng pitong taon ang pagsasama dahil nagkasawaan at nakahanap ng ibang mga mamahalin.

MAYOR ISKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with