Sen. Bong
Sen. Bong binalikan ang panata sa Penafrancia
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

Ipinagdiriwang ngayong araw ang fiesta ng Our Lady of Peñafrancia sa Naga City at isa sa talagang namamanata doon ay si Sen. Bong Revilla.

Natigil lang ito nang nakulong siya sa Camp Crame ng mahigit apat na taon, kaya mga limang taon din daw siyang hindi nakapagsimba sa Mahal na Ina ng Peñafrancia.

Sa katunayan, nung nasa Camp Crame siya, may altar siya ng Peñafrancia sa kanyang kuwarto katabi ng kama niya.

Tinitiyak din ng pamilya niyang makapagsimba sa Peñafrancia si Mayor Lani Mercado o Vice Governor Jolo Revilla para hindi lang daw maputol ang kanilang panata.

Kahapon ay nakabalik na siya ng Naga para magsimba sa Peñafrancia at maging bahagi sa fiesta nito.

Nagulat ang mga Bicolano na nagsimba sa Cathedral nila roon nang biglang dumating si Sen. Bong para makapagdasal sa Mahal na Ina.

Umakyat siya ng altar para mahawakan ang poon at sandaling magdasal.

“Ang sarap sa pakiramdam na nakabalik na ako,” pakli ni Sen. Bong.

Nung paglabas niya kasi ng Camp Crame, isa ito sa ginawa niya, ang magsimba sa madalas na pinagsambahan niya.

Nung nangampanya, naisabay rin niyang magsimba sa ilang simbahang madalas niyang pinagsambahan gaya ng Sto. Nino de Cebu, sa Our Lady of Manaoag sa Pangasinan, sa Bacolod at ilang lalawigan.

Itong sa Peñafrancia ang talagang gusto niyang puntahan dahil isa nga raw ito sa panata niya.

Nagulat pa siya pagdating sa Avenue Hotel sa Naga na kung saan doon siya nag-lunch, sinalubong siya ng ilang kaibigan at kinantahan ng Happy birthday, dahil isi-celebrate niya ang kanyang kaarawan sa Miyerkules, September 25.

Masaya siya sa kaarawan niya ngayon dahil first time niya itong i-celebrate pagkatapos niyang lumaya sa pagkakulong sa Camp Crame.

Nung nakaraang linggo ay nagsisimula na siyang mag-celebrate na sinimulan niya sa mga batang Cancer patients sa Binondo at Home for the Aged sa Tondo.

Nung nakaraang Miyerkules ay may blood letting activity siya sa Cuneta Astrodome, at sa September 29 naman ay medical mission sa Brgy. Commonwealth, QC.

Kukumpleto sa magic 8 sa MMFF na-submit na

Kahapon ang deadline ng submission ng finished films sa Metro Manila

Film Festival at as of presstime, hindi pa masabi sa akin kung ilan ang isinumite dahil hanggang 5pm pa sila tumatanggap ng entries.

Ang dinig namin, may mga horror film pang isinumite, kaya malamang na may isa pang horror movie na makukuha.

May naririnig din kaming sure na raw na pasok ang entry ni Coco Martin kasama sina Jennylyn Mercado at AiAi delas Alas.

Pati ang Mindanaw ni Judy Ann Santos na dinirek ni direk Brillante Mendoza ay napapag-usapang ipapasok sa magic 8.

Pero walang sinasabi ang mga taga-MMFF dahil pawang kuwento pa lang daw iyun dahil wala namang nakakatiyak kung ano talaga ang pasok sa panlasa ng Screening Committee.

Sa October ang announcement ng apat pang pelikulang bubuo sa Magic 8 kasama ang unang script na napili na Mission Unstapabol nina Vic Sotto at Maine Mendoza, Momalland nina Vice Ganda at Anne Curtis, Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach at ang Sunod ni Carmina Villaroel.

Ang isa sa umaasang tatanggapin ay ang Isa Pang Bahaghari ni Nora Aunor na talagang hinabol nila sa deadline.

Sabi nga ni direk Joel Lamangan, kahit nag-uulan ay tinapos nila ang shooting.

Sa tabi ng dagat sa Noveleta kasi sila nagsu-shooting, na kahit daw nililipad ng malakas na hangin ang tent nila sa set, tuloy pa rin ang shooting.

Ang nakakaantala lang sa shooting nila ay kapag nagkakasakit ang mga artista nila.

Nagkasakit din si Phillip Salvador at si Nora Aunor ay naging sakitin na rin.

SEN. BONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with