^

AiAi super fan na rin ng k actor!

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang asawa ni Patricia Javier na si Rob Walcher ang official chiropractor ng mga wrestler na kasali sa World Wrestling Entertainment na kalahok sina Roman Reigns, Kofi Kingston at Kevin Owens. Si Rob din ang napili bilang official chiropractor ng Back Street Boys na muling magtatanghal sa Pilipinas sa kanilang DNA World Tour sa Mall of Asia Arena sa October 28, 2019.

SCENE: R13 ang classification ng MTRCB sa Jowable, ang launching movie ni Kim Molina na ipalalabas sa mga sinehan sa September 25, 2019. 

SEEN: Bukas, September 22, ang grand gathering ng Gabay Guro sa Mall of Asia Arena. Star-studded uli ang tribute ng PLDT sa mga guro at performers sina Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Gabby Concepcion, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Erik Santos, Christian Bautista at maraming iba pa.

SCENE: Big fans ng Korean actor na si Park Seo Joon ang mag-inang AiAi at Sophia Delas Alas kaya maaga silang pumila sa Bench Tower sa BGC noong Miyerkules para makabili sila ng VIP tickets para sa meet-and-greet na magaganap sa September 29. Si Ben Chan ng Bench ang nag-imbita kay Park Seo Joon.

SEEN: Ang Philippine Arena na may 50,000 capacity ang venue ng 45th anniversary concert ni Imelda Papin sa October 26, 2019.

SCENE: Malaki ang tsansa na ibalik sa mga sinehan ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo dahil marami pa rin ang gusto na mapanood ang comedy movie nina Andrew E., Janno Gibbs at Dennis Padilla na pansamantalang itinigil ng magsimula ang 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino noong September 13.

AIAI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with