^

PSN Showbiz

Alden at Maine grabe pa rin ang ‘kuryente’ ‘pag magkasama

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden at Maine grabe pa rin ang �kuryente� �pag magkasama

I will honestly congratulate both Alden Ri­chards and Maine Mendoza na pareho nang nakawala sa box na pinagkulu­ngan sa kanila ng ibang selfish fans nila.

Now, slowly but surely, parang Christopher de Leon at Vilma Santos na sila na sobra ang electricity sa screen pero tanggap na walang romantic angle at tagumpay kapag ipinareha sa ibang mga artista.

Maganda ang resulta sa box office ng Hello, Love, Goodbye at parang magiging maganda  rin ang  resulta ng Isa Pa With Feelings, ang pelikula nina Maine at Carlo Aquino.

Walang romantic flavor ang partnership ni Alden with Kathryn Bernardo pero bongga ang kilig.

Ang team up naman nina Maine at Carlo, sa trailer pa lang may hatak na sa puso pero hindi naman sila nali-link sa isa’t isa.

Maganda ang growth ng career nina Alden at Maine, maganda ang formation kaya kapag nag-partner uli sila, wala na ang ilusyon  na magkakaroon ang dalawa ng relasyon pero may kilig pa rin dahil  sobra nga ang chemistry nila na dahilan para hindi mapigil ang fans na ilagay sila sa romantic dream.

Now, you will accept na pang-screen lang talaga ang loveteam nina Alden at Maine pero their friendship remains. To Alden and Maine, you will be there longer, growing bigger, together, with other partners then together again dahil never na mawawala ang AlDub chemistry n’yo, believe me.

Mas matindi sa swine flow Korean stars nililimas ang pera ng Pinoy Fans

Mas takot na yata ako sa Korean fever kesa sa African swine fever. Naloka ako at lalong inubo dahil na-pressure ako na pati si Jojo Liamson ng Bench ay tinawagan ko dahil nagpa-panic si Susan Sy Chua ng Regent Food Corp. sa pagbili ng VIP tickets para sa meet-and-greet ng Korean actor na bida sa Korean drama na What’s Wrong With Sec Kim (Park Seo Joon)?

Sure ako na sa darating na Christmas, maraming tao ang makakatanggap ng Bench products bilang regalo dahil kailangan na bumili ng P10K worth ng products para magkaroon sila ng VIP tickets.

In an hour, naubos na ang 100 tickets ng VIP times 10K, magkano ‘yon?

The height, si Susan at ang anim niya na Chinese friends 6 a.m pa lang, nasa Bench Tower office ng Bench sa Bonifacio Global City at waiting sa opening ng pagbibigay ng tickets na isang oras lang gagawin.

Halos 400 daw sila na nakapila sa Bench Tower kaya mabilis na naubos ang tickets.

Honestly, na-sad ako sa kuwento na nakarating sa akin. Ganoon din kaya ang nangyayari kapag may concert sa abroad ang mga Filipino artist? Ganoon ba rin ang suporta sa kanila ng mga kababayan natin?

Sobra ang fascination ng mga Pinoy sa mga Korean celebrity kaya halos every week, may Korean meet-and-greet at concert sila sa Pilipinas.

Willing bumili at magbayad ng mahal na tickets ang mga mano­nood kaya walang naniniwala na naghihirap ang mga Pilipino.

At ang audience para ma-afford ang napakamahal na mga ticket nasa bracket A level dahil owner at executive si Susan ng isang malaking kompanya.

Sure ako na mayayaman din ang friends niya na Korean addicts at kasama niya na pumila sa Bench Tower office ng Bench.

Hay naku, hindi tayo uubusin ng African swine fever, uubusin tayo ng Korean fever. Mark my word, uubusin nila ang money natin.

vuukle comment

ALDEN RI­CHARDS

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with