Panti... naiwan sa mga sinehan
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2019 - 12:00am

SEEN: Malabong matupad ang kagustuhan ni Super Tekla na i-promote sa Wowowin ang kanyang launching movie na Kiko En Lala dahil under renovation ang studio ng game show ni Willie Revillame. Matagal nang nag-advance taping si Willie para sa Wowowin dahil mahigit isang buwan ang renovation sa studio samantalang sa September 25 na ang playdate ng Kiko En Lala.

SCENE: Conjoined twins ang mga karakter ni Super Tekla sa Kiko En Lala kaya hindi naging madali ang shooting ng kanyang mga eksena. Ang ama ni Super Tekla ang isa sa mga tuwang-tuwa sa tagumpay sa showbiz na tinatamasa ng kanyang anak. Hindi na bumibiyahe ang kanyang tatay dahil sa edad nito kaya pinadadalhan na lang siya ng kanyang anak ng monthly allowance.

SEEN: Sinabi ng Jo­wable director na si Darryl Yap na susuportahan at panonoorin niya ang Kiko En Lala kahit sinabi ni Tekla na balahura ang trailer ng launching movie ni Kim Molina na directorial debut niya. Sa September 25 pa ang playdate ng Jowable pero may follow-up project na si Darryl Yap sa Viva Films, isang horror movie.

SCENE: Ipinagmalaki ni Kim Molina na honor student noon ang kanyang boyfriend na si Jerald Napoles, ang leading man niya sa Jowable. Bilib na bilib si Kim sa katalinuhan ni Jerald na mahilig manood ng mga documentary movie sa Netflix.

SEEN: Opisyal na nagwakas kahapon, September 19, ang 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino pero extended ang showing sa mga sinehan ng The Panti Sisters at ang ibang entries na tinangkilik ng manonood. Sa susunod na linggo, balik uli sa araw ng Miyerkules ang pagbubukas sa mga sinehan ng mga bagong pelikula dahil hindi umubra sa theatre owners na gawin na Biyernes ang opening day.

SCENE: May lihim na iniingatan ang aktor na nagbibilang ng mga babae na nakarelasyon, ang one night stand nila noon ng aktor na iniiwasan niya mula nang isapubliko ang pagi­ging bakla. Kapag nagsalita ang gay actor, tiyak na mawawasak ang macho image ng ladies man na aktor.

SEEN: Ang plano ng mga kamag-anak ni Deborah Sun na dalhin sa probinsya ang kanyang anak na si Jam Melendez kapag hindi pa siya nakalaya mula sa pagkakakulong dahil sa paggamit ng illegal drugs. Si Jam ang anak ni Deborah at ng pumanaw na aktor na si Jimi Melendez.

THE PANTI SISTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with