Number three sa Twitter trends ng Pilipinas ang #FREELOONIE habang sinusulat ang balitang ito.
Video grab mula sa Youtube channel ng fliptopbattles
#FREELOONIE: Pagpapalaya sa Fliptop rapper na nahuli sa buy-bust trending
James Relativo (Philstar.com) - September 19, 2019 - 3:02pm

MANILA, Philippines — Mainit na pinagdidiskusyunan ngayon ang pagpapalaya sa rapper na si "Loonie," Marlon Peroramas sa tunay na buhay, matapos arestuhin kaugnay ng iligal na droga.

Miyerkules nang arestuhin si Peroramas, kasama ang apat na iba pa, sa isang buy-bust operation matapos diumano mahulihan ng 15 sachet ng "kush," o high-grade marijuana.

Nangyari ang raid sa isang parking lot sa Barangay Poblacion, Makati City kagabi.

Ayon sa mga pulis, tinatayang P100,000 ang halaga ng kush na nakuha sa kanila.

Pero paliwanag ni Peroramas, nandoon lang daw siya sa lugar upang bisitahin ang tagahangang maysakit, na noo'y nagdiriwang ng kaarawan.

"'Di too lahat ng paratang sa akin. 'Di po sa amin 'yan. 'Di po sa akin 'yan," sabi ng tanyag na battle rapper.

"Pumunta po kami dito para sa batang may cancer."

Number three sa Twitter trends ng Pilipinas ang #FREELOONIE habang sinusulat ang balitang ito.

Bokalista ng bandang Stick Figgas, lubos na nakilala si Peroramas sa kulturang popular sa kanyang pagsali sa FlipTop Battle League.

Nangyari ang pag-aresto sa hip-hop superstar sa kalagitnaan ng madugong gera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. — may mga ulat mula sa The STAR

FLIPTOP HIP-HOP LOONIE WAR ON DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with