Scarlet pinakabatang ambassador
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2019 - 12:00am

Gusto ko ang pagpili ni Department of Tourism Secretary Berna Romulo Puyat kay Scarlet Belo as the youngest ambassador of tourism.

Cute ang caption ni Scarlet na ‘come visit pero as visitor lang’ dahil parang nagpaparinig siya sa mga overstaying na foreigners, hahaha.

Cute na cute si Scarlet at lalong tu­mingkad naman ang charm ni Secretary Berna habang magkatabi sila.

Bongga ang social media career ni Scarlet na talagang pinagbubuhusan ng oras ni Hayden Kho, Jr. Nakikita natin ang closeness at love ng mag-ama para sa isa’t isa. Welcome DOT ambassador Scarlet.

Gil nasa hitsura na malayo ang mararating

Noong Martes ko lang nakita nang malapitan si Gil Cuerva nang mag-guest siya sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) natin Salve.

Ang ganda- ganda pala ng mukha ni Gil as in maganda ang features niya, ang mga mata, matangos na ilong, ang bibig at ang kanyang pearly white na ngipin.

Very youthful ang aura ni Gil na talagang makikita sa kilos niya dahil 24-years old lang siya pero sa screen parang matured na siya kung kumilos.

Lucky him dahil dalawa ang primetime show niya sa GMA 7, ang Pinoy adaptation noon ng Love From The Stars at ngayon, ang Beautiful Justice.

Masuwerte si Gil at maganda naman ang sinasabi ng production people sa kanya, very professional, magalang at talagang pursigido sa pagiging artista.

I personally think na malayo ang mararating ni Gil sa showbiz.

Career ni Super Tekla nakabangon

Natutuwa ako dahil successful ang showbiz  career ni Super Tekla na meron nang launching movie, ang Kiko en Lala, Kambal Karibal.

Sina Derrick Monasterio, Kim Domingo at Jo Berry ang co-stars ni Super Tekla sa Kiko En Lala.

After magkaroon noon ng ‘lovers quarrel’ kay Willie Revillame, akala ng iba, katapusan na ng showbiz career ni Super Tekla pero nabigyan siya ng second chance ng GMA 7 sa  mundo na binuksan ni Willie para sa kanya.

Now, marami nang mga show si Super Tekla sa ibang bansa, bongga ang ratings ng kanyang mga television show at busy ang schedule niya hanggang katapusan ng 2019.

Sana maging matagumpay rin ang Kiko en Lala para masundan pa ang pelikula ni Super Tekla, ang creation ni Willie.

Anak ni Cong. Lord, bongga ang mga ninong at ninang

Feeling honored and privileged ako Salve, sa invitation sa binyag ni Sara Kristina Velasco sa September 22.

Napatunayan ko kung gaano kami ka- love ni Lei Atienza, ang anak ni Buhay Party-list Representative Lito Atienza.

Nang hingan si Lei ng mga pangalan ng friends from the press, binanggit niya kami nina Ricky at Jojo.

At kung nakita mo ang invitation sa binyag ni Sara Kristina na gawa ng Petalier malulula ka sa ganda pero para sigurong Se­nate at  Congress hearing sa binyag dahil nasa listahan ng mga ninong at ninang ang  halos lahat ng mga  senador at congressmen pero ang dalawang presidente ang frontliner, sina President of the Philippines Rodrigo Duterte at San Miguel President Ramon Ang.

Hindi ba malaking karangalan na invited ka sa isang ganito kalaking okasyon? Feeling Crazy Rich Asian ako ha kaya thank you so much Lei Atienza, thank you Lynette Baldovino, but double thank you Congressman and Mrs. Lord Velasco.

Welcome to the world, Sara Kristina, with all your ninangs and ninongs, bongga, baby ka pa lang influential at beautiful rich Asian baby ka na.

SCARLET BELO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with