Iza at Ben, willing mag-ampon
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2019 - 12:00am

Marami ang nagtatanong kay Iza Calzado kung bakit ayaw subukan ng asawang si Ben Wintle ang show business. Ayon naman sa aktres ay talagang negosyo lamang ang hilig na gawin ng kanyang mister. “Hindi siya talaga pang-ganun. Hindi niya hilig eh, hindi mo pwedeng pilitin. Sabi ko nga palagi sa kanya, dapat siya ‘yung nagsu-showbiz. ‘You have the body, everything.’ Physically he is for showbiz but it’s not his thing. He’s a businessman. He’s quite serious. He doesn’t like waiting around. It’s just not his thing,” paliwanag ni Iza. 

Matatandaang December noong isang taon nagpakasal ang mag-asawa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaplano na magkaroon na ng anak. “Sa tamang panahon, pagkatapos ng mga proyekto. We have frozen embryo. I think I might do that again but I would love to try naturally. Pang-security lang po ito dahil ako po ay hindi na bata. Pinaghahandaan ko pa rin ang aking pagiging isang ina. And of course my husband is very supportive,” nakangiting pahayag ng aktres.

Kung ipagkakaloob ng Panginoon ay tatlong supling umano ang gustong magkaroon nina Iza at Ben. “I have one now, he’s quite big already, his name is Ben,” pabirong sinabi ni Iza. “Three, if you want more, we are more than willing to adopt. These are things that are talked about,” pagtatapos niya.

Jake at Kylie, pinagseselosan ang mga nakakaeksena

Aminado ang magkasintahang sina Kylie Verzosa at Jake Cuenca na may pagka-seloso talaga ang bawat isa. Maging sa trabaho ay nakararamdam ng selos ang dalawa. Parehong kabilang sina Kylie at Jake sa teleseryeng Los Bastardos at pinagselosan nang minsan ng aktor si Joseph Marco nang makaeksena nito ang kasintahan. “At first okay lang naman pero no’ng nakita ko na magkaeksena sila, kailangan mong aminin ang nararamdaman ko. Nararamdaman ko in that moment, selos ‘yon,” pagtatapat ni Jake.

Agad daw kinausap ng aktor si Joseph noon pagkatapos kunan ang mga eksena nila ni Kylie. “Nagulat din siya kasi kilala niya ako. It never happened before,” dagdag ng binata.

Ayon kay Kylie ay si Ritz Azul naman ang matagal na niyang pinagseselosan. Bukod sa nasabing serye ay nakatambal na rin ni Jake ang sexy actress sa isang pelikula. “They have a movie, nanood kasi ako. Hindi ako na-inform na ang dami nilang eksena. Usually when I watch Jake’s movie, I get ready for the scenes na I have to see. Eh hindi ako handa dito, I didn’t prepare myself for this. Nagselos ako do’n sa movie. Umiinit ‘yung ulo ko when I get jealous,” nakangiting kwento ni Kylie.

Kahit pinagseselosan ng aktres si Ritz ay nananatili naman daw na magkaibigan ang dalawa. “Kami ni Ritz, we’re friends,” pagtatapos ng beauty queen.

(Reports from JCC)   

IZA CALZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with