PPP tumabo na ng P105-M
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2019 - 12:00am

As of Monday September 16, naka-P105-M na ang sampung pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Lumalakas pa raw nung Martes at kahapon. Ang maganda lang, yung mga hindi gaanong pumalo sa takilya, pumi-pick up siya ngayon dahil maganda ang word of mouth.

Isa na rito ang nanalong Best Picture na Lola Igna na isa o dalawang screening lang sa mga sinehan, pero padami nang padami na ang mga nanood. Kaya ipinapakiusap na ni FDCP Chairperson Liza Diño sa mga theater owners na sana mag-extend dahil gumaganda pa ang performance sa takilya.

Maganda rin ang feedback sa LSS, Open at Cuddle Weather, bukod sa Panti Sisters na lalo pang lumalakas ngayon sa takilya.

As of yesterday nga, naka-P85-M na ito kaya sure na marami pang mga sinehang maiiwan sa pelikulang ito nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables.

Natutuwa naman si Madam Liza Diño na maganda ang feedback sa mga pelikula at mukhang malalagpasan nito ang box-office record nung nakaraang taon.

BFF ang turing, Rita gustong pakialaman ang magiging girlfriend ni Ken

Iba na raw ang nabuong friendship nina Ken Chan at Rita Daniela na muling nagsama sa One of the Baes, at Journey hosts din sila sa second season ng The Clash na magsisimula na sa Sabado, September 21 pagkatapos ng Daddy’s Gurl.

 kamakalawa lang ay ipinost ni Ken sa kanyang Instagram ang birthday greeting niya kay Rita na nagdiwang ng kanyang kaarawan nung araw na iyun.

Binanggit niyang masaya siya para kay Rita dahil nakikita na raw niyang natutupad na nito ang mga pangarap niya sa buhay.

Diyan daw kasi sila nagkakasundo ni Rita na lahat na pangarap nila ay para sa kani-kanilang pamilya.

“Tulungan kami eh. Breadwinner yan eh. Ako rin breadwinner. Pareho kami ng dreams, pareho kami ng pangarap.

“Kaya nagtutulungan kaming dalawa talaga para sa pamilya,” pakli ni Ken nang nakatsikahan namin silang dalawa sa nakaraang mediacon ng The Clash.

“Sobrang kumportable na namin sa isa’t isa. Parang wala na nga po kaming sikreto sa isa’t isa.

“Umabot na kami sa level na ganun na… nakakatulong sa amin kasi everytime na meron na kaming intimate scenes, hindi na kami nahihiya sa isa’t isa.

“Kabisado na namin ang isa’t isa,” dagdag niyang pahayag.

Pero hanggang magandang friendship na huwag na raw haluan ng malisya, sabi ni Rita.

“Mas importante kasi sa amin yung kung anong meron sa amin ngayon, gusto namin alagaan yun eh.

“Isipin mo yung isang magandang bagay na napaka-pure, good intentions tapos haluan mo ng malisya, parang masisira siya.

“Nag-decide rin kami ng ganun,” saad ni Rita.

Kaya baka bibigyan pa raw ng romantic angle ang pagkaka-link sa kanilang dalawa, huwag na raw dahil hindi pa raw nila nakikita yun.

“Hindi po kasi namin nakikita eh. Hindi  namin naramdaman. So, huwag na natin ipilit.

“Basta nakakapagpasaya kami sa supporters  at napapagaan namin yung loob nila through the characters na pinu-portray namin, masaya na po kami dun.

“Kabisado na namin yung isa’t isa, Alam na namin kung paano mag-isip ang isa’t isa. BFF forever,” sabi pa ni Rita.

Mukhang meron naman kasing ka-date ngayon si Rita na ayaw lang niyang pag-usapan pa.

“I just want to keep my private life private,” nakangiti niyang sagot.

Pero sabi pa ni Rita, kung sakaling magka-girlfriend daw uli si Ken, baka mapakialaman daw niya ang lovelife nito dahil deserve daw ng ka-partner niya ang matinong babae.

“Of course I treat Ken as one of my bestfriends, gusto ko yung kung maka-partner niya o mapangasawa, o kahit girlfriend gusto ko woman of God. Kasi, yung intentions dapat good…kumbaga, when you’re dating someone, dapat intentional. You just don’t date for just having a date or a fling.

“Tutulungan ko rin si Ken dun kung sino man yan, na dapat magmamahal sa kanya ng buong-buo.

“Siyempre, kaibigan ko siya, ayoko siyang masaktan,” sabi pa ni Rita.

Kung masaya si Ken sa lahat na na-achieve ni Rita, ganundin naman ang singer/actress dahil natupad na rin ang matagal nang pangarap ni Ken na maibili ng sariling bahay ang kanyang pamilya.

“Maliit lang naman po sa Quezon City. It’s a townhouse, pero at least sa amin na po,” nakangi­ting saad ni Ken.

“Kahit na anong mangyari, hindi na mawawala sa amin ang house na iyun. Kasi dati nagri-rent lang kami eh. Lipat-lipat kami, lipat dito, lipat doon. Bata pa lang po ako, pangarap ko na talaga na magkaroon kami ng sariling bahay.

“Ngayon, nagawa ko na. Happy na ako. Iyun lang naman ang pangarap ko eh. Okay na,” sabi pa ni Ken.

Empoy kumakain ng baboy

Ang komedyanteng si Empoy at ilan pang celebrities ay makikiisa sa isang boodle fight ng lechon na in-organize ng Progressive Laboratories, KPP Powers Commodities, Inc. at Qualibet Testing Services Corp. ni Pinky Tobiano.

Gagawin nila itong pa-fiesta ng lechon sa Vete­rans Village Basketball Court sa Project 7, Quezon City sa Sabado, September 21 ng alas-kuwatro ng hapon, bilang tulong daw nila sa mga pig farmers na apektado sa African Swine Fever.

Gustong tulungan ni Pinky ang mga magsasaka na naapektuhan daw talaga.

Isolated case naman daw ito na hindi dapat ikatakot. Safe pa rin daw ang pagkain ng baboy. Kaya nagpapasalamat siya sa lahat na tumulong para sa ating mga pig farmers.

LIZA DIñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with