Tekla hindi nagustuhan ang ‘jowa’ ni Kim
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2019 - 12:00am

SEEN: Nalungkot si Kim Molina sa sinabi ni Super Tekla na “balaj” o balahura ang trailer ng Jowable dahil sa mga bulgar na dialogue ng karakter na ginampanan niya. Launching movie ni Kim ang Jowable at magkasabay na magbubukas sa mga sinehan sa September 25 ang Jowable at ang Kiko En Lala.

SCENE: May dahilan para malungkot si Kim Molina sa pahayag ni Super Tekla na balahura ang trailer ng Jowable dahil ang kanyang boyfriend na si Jerald Napoles ang gumanap na Tekla sa life story nito na isinadula noon ng Magpakailanman.

Co-star din ni Kim sa Jowable si Jerald  at pinaka-­ aabangan ang kakaibang love scene nila na take one daw nang kunan ng direktor na si Darryl Yap.

SEEN: Magkakaroon ng free screening ang Jowable sa Cine Adarna ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City sa September 21 at sa September 25 naman ang premiere night sa SM Megamall Cinema 1.

SCENE: Ang suportahan ang Miss World bid ng kanyang anak na si Michelle Dee ang bagong kahilingan ni Melanie Marquez. Tiniyak ni Melanie na pupunta siya sa London sa December 14 para sa coronation ng Miss World. Hi­nihintay ngayon ng supporters ni Michelle Dee ang congratulatory message sa kanya ng BFF niya na si Mikee Quintos. Nabigyan noon ng malisya ang closeness nina Michelle at Mikee pero nilinaw nila na good friends lamang sila.

KIM MOLINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with