Eddie Garcia
GMA pumalag sa imbestigasyon ng DOLE kay Eddie Garcia
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumagot na ang GMA Network sa inilabas na preliminary findings ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa investigation sa aksidentente kay Manoy Eddie Garcia sa taping.

Nauna nang sinabi ng DOLE-National Capital Region Regional Director Sarah Buena Mirasol na diumano’y lumabag sa tatlong violations ang GMA sa ilalim ng  Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Occupational Safety and Health (OSH) Law: failure to submit an incident report within 24 hours, to employ or designate a safety officer, and to employ or designate a certified First Aider.

Ipinaliwanag ng GMA, sa kanilang sagot / komento na matapos makumpleto ang kanilang pagsisiyasat, nauna nang nagbigay ang Network ng kopya ng mga resulta sa pamilya ni G. Garcia bilang paggalang sa nangyari at pagkatapos ay kusang nagsumite ng kopya sa DOLE noong Hulyo 5, 2019 bilang pagsunod sa batas at sa IRR nito.

“GMA noted that the IRR, as worded, states that such a case of “work accidents resulting in disabling injury or death” is an exception to the requirement that a report be made within 24 hours from the occurrence. Nonetheless, GMA submitted the report within one (1) month from the accident which occurred last June 8, 2019,” katuwiran nila.

“Secondly, on having a designated safety officer in the workplace, GMA confirms that it actually has sufficient number of DOLE-certified safety officers catering to its employees.”

Pinapanatili din diumano ng GMA ang kaligtasan at seguridad sa mga taping sa pamamagitan ng coordination sa safety officers, the program’s officers, and staff and its contractors in coordination with Barangay officials na may jurisdiction over the locations for security, traffic and crowd control matters.

Sinabi rin na meron silang three production staff na nakatapos ng lecture demonstration sa Red Cross ng First Aid and Basic Life Support - CPR - na present sa location site nung araw na maaksidente ang beteranong aktor.

Aminado naman ang network na sa kabilang pinatupad nilang safety measures, ang pagkakadapa ng actor habang papasok sa eksena na naging dahilan ng kanyang pagpanaw ay isang hindi inaasahang aksidente.

Nangatuwiran din sila sa lumabas na article sa isang pahayagan na tumanggi silang ibigay sa DOLE ang listahan ng kanilang location ng lahat ng kanilang mga teleserye. “The locations and schedules were not submitted immediately because of their tentativeness and the fact that they are too numerous to remember from memory,” nakasaad pa sa natanggap kong statement.

Sinabi rin nilang patuloy silang makikipag-cooperate sa isinasagawang imbestigasyon ng DOLE.

EDDIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with