Heart Evangelista
Foreword sa libro ni Heart sinulat ng ‘Crazy Rich Asian’
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

Hindi rin nauubusan ng pagkakaabalahan ang Kapuso actress na si Heart Evangelista dahil kasabay ng pagtatapos ng Starstruck 7 Season 7 noong Linggo ang launch ng kanyang libro, ang Styled with Heart sa Manila International Book Fair na ginanap  sa SMX Convention Center.

Nag-attend muna ni Heart sa launch ng Styled with Heart bago  pumunta sa studio ng GMA 7 noong Linggo para sa grand finale night ng reality–based artista search ng Kapuso Network bilang isa siya sa tatlong mentors ng Final 4.

Sosyal ang fashion book ni Heart dahil ang bestselling author ng sikat na libro at movie na Crazy Rich Asians na si Kevin Kwan ang nagsulat ng foreword sa Styled with Heart.

“Fashion is not just kaartehan, it’s an expression of one’s individuality and I’m proud of myself that at a young age, I was able to express myself. So yeah, I’m very happy about it,” ang sabi ni Heart na naniniwala na naibabahagi niya sa mga tao ang kanyang mga saloobin sa pamamagitan ng fashion.

Bong 5 years nag-birthday sa kulungan!

Sa September 25 pa ang 53rd birthday ni Senator Bong Revilla, Jr. pero nag-share na siya ng blessings noong September 14 sa Missionaries of Charity sa Binondo, Tondo at Tayuman.

Ngayon naman, September 18, may blood letting activity si Bong sa Cu­neta Astrodome sa Pasay City mula 8 am hanggang 1 pm at sa September 29 ang medical mission niya sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Ang mga medical mission at pagbisita ni Bong sa mga charitable institution ang paraan ng kanyang pasasalamat sa lahat ng mga supporter at sa mga tao na patuloy na nagtitiwala sa kakayahan niya.

Hanggang ngayon, overwhelmed si Bong sa muling pagluluklok sa kanya ng mga Pilipino bilang senador sa midterm elections noong May 2019.

Sa loob ng limang taon, ginunita ni Bong ang kanyang kaarawan sa selda niya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame at ngayon na lang uli siya magdiriwang ng birthday sa labas ng kulungan kaya importante sa kanya na ibahagi sa lahat ang kaligayahan na nararamdaman.

Dahil diyan malamang puntahan namin siya para ma-interview sa Take It… Per Minute (Me Ganun) nina Cristy Fermin at Mr. Fu, kaya humanda ka Bong.

Busy na sa Pasko…

Magkasunod ang happenings ng dalawa nating favorite friends, Salve. Una si Aileen Choi Go ng MegaSoft na Fasclean ang ini-endorse na niya, at pangalawa, ang flagship store na Beautederm sa Angeles City na bubuksan ni Rhea Tan.

Very hectic talaga kapag mga young energetic ang big bosses ng mga kompanya dahil walang tigil ang trabaho nila at hindi sila nagsasayang ng oras.

Si Cris Roque ng Kamiseta, panay ang follow-up sa China ng mga scarf at print fabrics na dapat na nasa Pilipinas na bago sumapit ang Pasko para mailabas na sa Christmas season.

Makikipag-meeting siya agad sa atin para ipakita ang mga bagong designs ng fabrics. Hay naku talagang kapag Christmas, so busy ang lahat dahil nga diyan lumalabas ang mga buyer na dapat na ma-satisfy sa mga produkto na bibilhin nila.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with