Regine Velasquez
Regine todong paghahanda ang ginagawa para kay Sharon
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2019 - 12:00am

Sa susunod na buwan na gaganapin ang concert nina Regine Velasquez at Sharon Cuneta. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sa isang mala­king show ang Asia’s Songbird at ang Megastar.

Todong paghahanda na raw ang kailangang gawin ni Regine para sa kanilang mga tagahanga ni Sharon.

“Finally, we’re already finalizing the repertoire. So next phase na kami which is the rehearsals pero medyo matagal-tagal pa ‘yon. Pero alam mo kasi, alam ko lahat ng kanta niya eh. So this will be a combination of her beautiful hits and also my songs. Excited na ako,” nakangiting pahayag ni Regine.

Sa kauna-unahang pagkakataon din ay magbibida ang Asia’s Songbird sa pelikulang Yours Truly, Shirley para sa Cinema One Originals 2019 na mapapanood sa November. Ngayon lamang daw uli nakaram­dam ng kaba si Regine sa paggawa ng isang pelikula.

“Katatapos ko lang siya actually. Kinakabahan kasi ako but noong nag-umpisa na, okay na. Gano’n lang naman ako eh, kailangan ko lang i-convince ang sarili ko na gagawin ko na talaga. But when we started na, dire-diretso na and I had so much fun working with everyone,” pagbabahagi ng singer-actress.

Aljur anim ang gustong maging anak kay Kylie!

Mag-aanim na buwan na ngayon ang ipinagbubuntis ni Kylie Padilla. Sa December nakatakdang isilang ng aktres ang pangalawang anak nila ni Aljur Abrenica.

Ayon sa aktor ay magkahalong emosyon na ang kanyang nararamdaman ngayon pa lamang para sa pagdating ng bunsong anak. “Hindi ko alam eh, pero alam ko masarap kasi darating na ang anak ko. So kung panga­lawa ‘to, mas masarap sa pakiramdam,” paglalahad ni Aljur.

Dalawang taong gulang na ngayon ang panganay na anak nina Kylie at Aljur na si Alas. Ayon sa aktor ay pangarap niyang magkaroon ng maraming supling. “Anim,” natatawang pahayag ni Aljur.

“Siya ‘yon, sabihin ko tatlo lang sana eh pero okay na kami sa dalawa. Pero kung may darating pa na isa, okay lang pero sana babae,” pahayag naman ni Kylie.

Samantala, excited na rin ang aktres dahil malapit nang mapanood muli sa isang teleserye si Aljur. Kasamang magbibida ng aktor si Ejay Falcon sa Sandugo ng ABS-CBN.

“Mas excited pa nga ako sa kanya eh,” natatawang giit ni Kylie.

“Sobrang excited, sobrang thankful sa binigay ng ABS-CBN and Dreamscape. Pangarap namin ni Ejay ‘to eh, dati pinag-uusapan namin. First time ‘to for me, so excited sa journey,” pagtatapos naman ni Aljur.  (Reports from JCC)

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with