Judy Ann Santos
Mga beteranang artista ng teleserye hindi apektado ng giyera ng mga network
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2019 - 12:00am

Parang nasasabik na ako na mapanood uli si Judy Ann Santos sa isang teleserye. Matagal –tagal na rin na hindi siya nakikita sa telebisyon kaya marami na ang sabik sa kanyang mga project.

Pareho sila ni Lani Mercado na gusto rin na paminsan-minsan na lang na lumabas sa TV kaya natutuwa ako kapag may mga offer sa kanya na guesting. Nakatutok kasi ang panahon at atensyon ni Lani sa constituents nito sa Bacoor City kaya piling-pili ang mga alok sa TV at pelikula na tinatanggap niya.

Natuwa naman si Glydel Mercado sa paglabas niya sa Kadenang Ginto ng ABS-CBN dahil nagkaroon siya ng chance na makalabas sa programa ng Kapamilya Network.

For the longest time, puro sa GMA 7 ang mga project ni Glydel kaya marami ang nagulat nang makita siya sa teaser ng Kadenang Ginto. Ang akala ng tele­viewers, namamalik-mata lamang sila dahil matagal na Kapuso star ang asawa ni Tonton Gutierrez.

Nakakatuwa na puwedeng tumawid sa ibang mga network ang mga artista para maiba naman ang casting.

Parang pagkain din ang mga teleserye, kapag pare-pareho ang mga putahe, kinasasawaan din ng televiewers.

Mabuti nga ngayon, ‘yung mga artista ng ABS-CBN, napapanood sa mga show ng GMA 7 at ang mga artista ng Kapuso Network, nag-oober da bakod sa mga programa ng Kapamilya Network.

Tingnan n’yo ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Iba’t iba ang mga artista na guest kaya siguro nagtatagal ang teleserye na isang nice move para iba-ibang halo ang napapanood natin.

Kapamilya todo ang suporta sa Bantay Bata

Ang ganda ng cooperation na ipinakita ng mga artista ng ABS-CBN sa ABS-CBN Ball 2019 na beneficiary ang Bantay Bata Foundation.

Marami ang dumalo at lahat, in dazzling gowns and fully made up pero sana, lahat sila ay nagbigay ng donasyon para  sa magaganda na project ng Bantay Bata.

Double celebration ang nangyari sa katatapos na Star Magic Ball dahil inalala rin si Gina Lopez at kung nasaan man ito, sure ako na masaya siya dahil dumalo ang lahat ng mga artista na puwedeng tumulong sa proyekto na naiwan niya.

Kapag nakita natin ang mga natulungan ng Bantay Bata, talagang makukumbinsi tayo na sumali sa paglikom ng pera para sa naturang foundation.

Sana nga marami ang nag-donate, lalo na ang top stars ng ABS-CBN na nag-attend sa ABS-CBN Ball na taun-taon nang inaabangan ng publiko na excited na makita ang mga damit na suot ng kanilang favorite stars.

Imbes naman na magpagawa ng bonggang gown, nag-decide si Angel na mag-donate nang diretso sa Bantay Bata Foundation.

Oo nga naman bakit kailangan ang ball para makalikom ng donasyon, bakit hindi na lang ibigay nang diretso sa Bantay Bata?

Mabuti na inumpisahan ni Angel Locsin ang ginawa niya dahil maiisip na ngayon ng ibang mga artista ang purpose na to get donations.

Better na ang ibabayad sa mahal na gown, ibigay na lang bilang donasyon sa Bantay Bata. Bongga ka Angel na tunay na may utak at puso.

JUDY ANN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with