Julia Barretto
Netizens mainit pa rin kay Julia
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2019 - 12:00am

True to form pa rin si Liza Soberano for coming to the ABS-CBN Ball and being one of the Best Dressed alongside with Bea Alonzo, Maymay Entrata na muli na namang pinatunayan na maasahan na magandang magdala ng mga damit na isinusuot tulad nina Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Maja Salvador, Anne Curtis, Ylona Garcia and many more.

Napaka-ganda ng ka-loveteam ni Enrique Gil na palaging nasasali sa listahan ng Best Dressed sa ABS-CBN Ball. I pity Julia Barretto na dahilan sa naging partisipasyon niya sa isyu nina Gerald Anderson at Bea Alonzo ay patuloy pa ring bina-bash ng mga netizen gayung okay naman ang suot niya.

Andrea nangangamoy acting award

Kailan matutuklasan ng character ni Derek Ramsay na fake lamang ang magpapanggap na asawa niyang si Juliet na kakambal ng tunay niyang asawang si Jasmine? Parehong ginagampanan ni Andrea Torres ang roles ng kambal sa The Better Woman ng GMA. Hanggang kailan bago magwakas ang kasamaan ni Juliet o magpapatuloy na ang kasamaan nito hanggang sa huli? Kapag nagawang tuluyang mapaiba ni Andrea ang roles nina Juliet at Jasmine ay sigurado na ang nominasyon niya bilang Best Actress sa mga susunod na awards derby.

Martin waging Best Actor sa PPP!

Kung mayro’n mang proud nang husto sa na­ging panalo ni Martin del Rosario bukod pa kina Perci Intalan at Jun Lana Robles, mga prodyuser at direktor ng pelikulang The Panti Sisters na pini­pilahan ngayon sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ang mga gumaganap na sisters niya sa movie ay sina Paolo Ballesteros at Christian Bables. Hindi na siya nagpahuli sa mga “ate” niya na nanalo na bilang Best Actor sa mga nakaraang movie projects nila, dahil nakaungos siya sa mga sisters niya sa pagkakahirang sa kanya bilang Best Actor for his role in  the film.

Bukod sa Best Actor niya, nanalo rin ang The Panti Sisters ng Audience Choice Award at Best Production Design sa Gabi ng Parangal ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. Mas lalo pang pipilahan ang movie makaraan ang awards night ng PPP para lang makita ng manonood kung talagang nakakatawa ang movie at kung magaling nga si Martin.

Imbitasyon hindi nakarating

Kung hindi pa ako nasabihan ng ilang mga kasamahang entertainment writer na nagawang dumalo sa Sine Sandaan, ‘di ko pa malalaman na kasama pala ang pangalan ko sa ‘luminaries’ sa entertainment writing.

Ang sipag nilang magpadala ng press releases sa media and yet pagdating sa pang-imbita ay kulang sila. Alam kaya ito ng namamahala sa FDCP na si Liza Diño-Seguerra?

Pero artista rin, Imelda mas popular na singer!

Parang nalungkot naman ako sa nabasa kong article tungkol sa isang itinuturing na legend ng movie industry. Nagrereklamo ito sa klase ng pamamalakad ng isa niyang kasamahan sa industriya na hindi niya maituturing na artista dahil isa itong singer. Nakalimutan na niyang maraming klase ng artista, yung umaarte sa pelikula at TV, ‘yung kumakanta sa tanghalan, ‘yung lumalabas sa teatro, ‘yung mga lumalabas sa stage shows sa mga probinsya.

Nagkataong the singer was more popular for her singing than her acting. I was PRO of this singer for so many years prior to her being voted as president of the Actors Guild o ng Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT). Pero, hindi ibig sabihin ay wala na akong pakialam sa mga ginagawa niya. Walang halaga ang nag-uugnay sa aming dalawa, hindi porke bumaling na siya sa pulitika ay wala na akong interes sa mga ginagawa niya. Hindi man ako kumporme sa ginawang pangungumbinsi sa kanya ng maraming maliliit na artista na pamahalaan sila dahil mas maraming mas sikat na artista na ang nauna nang gumawa nito pero, nakakalungkot na ‘di nila sila napag-isa, ‘di sila natulungan. My friend Kuya Germs ay nag-iwan sa organisasyon ng ilang milyong piso pero, naibsan ba ang pangangailangang pinansyal ng maraming miyembrong iniwan niya?

Si Imelda Papin, isang singer pero, hindi itinuturing na artista pero mara­ming taga-KAPPT at Actors Guild ay nagawang mapa-miyembro ng PhilHealth. Meron na rin silang mga SSS na mapapakinabangan nila sa kanilang pagtanda, matuto lang silang magbayad ng membership ng regular.

Marami pang iba siyang nagawa na konektado sa trabaho sa showbiz kaya kahit anong sabihin nila, bahagi siya ng industriya at hindi basta singer lang.

Naniniwala ako na dapat nga ay may pasasalamat tayong marinig para sa malasakit ng isang singer sa maraming artista ng industriya. 

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with