Michelle Dee
Philstar.com/Erwin Cagadas Jr.
Pagkapanalo ni Michelle nahulaan na
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2019 - 12:00am

Bago pa man ang grand coronation night last Sunday para sa Miss World Philippines pageant na ginanap sa Araneta Coliseum, marami na ang humula na makukuha ni Michelle Dee ang Miss World Philippines crown.

True enough, siya nga ang kinoronahang 2019 Miss World Philippines at kakatawan sa Pilipinas sa 2019 Miss World competition na gaganapin sa ExCel London in London, England sa December 14, 2019

Si Michelle na isang Kapuso actress ay anak ng dating mag-asawang Melanie Marquez (1979 Miss International) at ang dating actor at negosyanteng si Derek Dee. First cousin naman ni Michelle ang kauna-unahang Reina Hispanoamericana na si Winwyn Marquez na isa ring Kapuso at anak ng dating couple na sina Joey Marquez at Alma Moreno.

Umaasa ang mga kababayan ni Michelle na sana’y masungkit nito ang 2019 Miss World Crown at masundan ang panalo ni Megan Young nung 2013.

Samantala, bukod kay Michelle Dee, dalawa pang Kapuso actress ang nakakuha ng korona last Sunday evening, sina Kelley Day at Isabelle de Leon bilang Miss Eco Philippines 2019 at Miss Multi-National Philippines 2019.

Ang iba pang winners ay sina Katrina Llegado na siyang nanalong Reina Hispanoamericana Filipinas 2019, Glyssa Perez bilang Miss Philippines Tourism 2019 at si Vanessa Mae Walters bilang Miss Eco Teen Philippines 2019. 

First Princess naman si Shannon Kerver habang si Casie Banks naman bilang 2nd Princess or runners-up.

Mga pelikula sa PPP lahat nanalo

Taong 2015 nang unang manalo ng Best Suppor­ting Actor ang Kapuso actor na si Martin del Rosario mula sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) para sa pelikulang Dagitab. Bago ito ay dalawang magkahiwalay na tropeo ang kanyang tinanggap mula sa Golden Screen Awards at PMPC Star Awards for Movies bilang Breakthrough Performance by an Actor at New Movie Actor of the Year para sa pelikulang Dagim in 2011.

Sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) awards night last Sunday na ginanap sa One Splanade ay nasungkit ni Martin ang kanyang kauna-unahang Best Actor trophy para sa pelikulang The Panti Sisters na pinagsasamahan nila nina Paolo Ballesteros at Christian Bables mula sa panulat at direksiyon ni Jun Lana under The IdeaFirst Company.

Ang veteran actress na si Angie Ferro naman ang nanalong Best Actress para sa pelikulang Lola Igna na siya ring nanalong Best Picture at Best Musical Score.

Ang LSS (Last Song Syndrome) na pinagbidahan ng magkasintahang Gabbi Garcia at Khalil Ramos na pinamahalaan ni Jade Castro ay nakapag-uwi ng limang awards. Kasama na rito ang Best Supporting Actress (Tuesday Vargas), Special Jury Award, Best Original Song, PistApp Audience Choice Award at Best Sound Design.

Ang pelikulang Watch Me Kill na pinagbidahan ni Jean Garcia ay nakakuha ng tatlong award at kasama na rito ang Best Director for Tyrone Acierto, Best Editing at Best Cinematography.

Ang I’m Ellenya L na directorial debut ni Boy2 Quizon at tinampukan ng dating magkasintahang Maris Racal at Inigo Pascual ay nakakuha ng Best Supporting Actor for Gio Alvarez.

Among the ten movies na kalahok sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), ang The Panti Sisters ang nangunguna na sinusundan ng Open nina Arci Muñoz at JC Santos na pinamahalaan ni Andoy Ranay.

Samantala, dapat din sigurong isaalang-alang ng PPP na sobrang marami ang sampung pelikulang kalahok. They should trim it down to seven sa susunod na taon dahil isang linggo lamang ang festival at sa gitna ito ng ordinar­yong buwan na nagkataong tag-ulan pa.

MICHELLE DEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with