^

PSN Showbiz

Christian, nakasungkit ng best actor award sa Chicago

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Christian, nakasungkit ng best actor award sa Chicago
Christian Bables

Tumanggap na sa Vietnam

Nakatakdang pumunta ni Christian Bables sa Chicago sa susunod na buwan upang tumanggap ng bagong parangal para sa pelikulang Signal Rock. “Awa ni God, another critically-acclaimed din naman ‘yon. Lilipad ako ngayong October sa Chicago dahil I won Best Actor,” nakangiting pahayag ni Christian.

Matatandaang nasungkit din ng binata ang Best Actor award sa nasabing pelikula noong isang taon sa Hanoi International Film Festival na ginanap sa Vietnam. Tatlong beses namang nanalo noon bilang Best Supporting Actor si Christian sa pelikulang Die Beautiful, sa Metro Manila Film Festival, Film Aca­demy of the Philippines Luna Awards at 40th Gawad Urian Awards.

Samantala, palabas pa rin ngayon sa mga sinehan ang pelikulang Panti Sisters na pinagbibidahan nina Christian, Martin del Rosario at Paolo Ballesteros. Hindi umano natatakot si Martin na malinya sa pagganap bilang bakla sa mga proyekto.

Maraming beses na rin kasing nakaganap na bading ang aktor sa telebisyon at pelikula. “Katulad ni Christian, hindi ako takot kasi mga Hollywood actors nga marami nang gumagawa niyan eh, and nagkakataon lang dito sa Pilipinas kasi mas maraming maintriga. Tsaka ako, alangan naman na malimitahan ‘yung craft mo dahil lang sa mga sinasabi ng iba. Saka kaya nga naging artista di ba, para magampanan mo ‘yung iba’t ibang roles. Bawat roles naman kahit parehas na gay role, magkaiba pa rin naman ‘yan,” paliwanag ni Martin.

Mark, noon pa crush si Yen

Pagkatapos sumali sa Pinoy Boyband Superstar noong 2016 ay Cornerstone na ang humawak sa career ni Mark Oblea. Ayon sa baguhang aktor ay kuntento at masaya naman siya sa pangangalaga ng nasabing talent management agency. “Ang bilis ng panahon hindi ko napansin. Tapos ngayon may hinihintay tayong mga teleserye. Tuloy pa rin naman ako. Gusto ko pa gumawa ng film,” bungad ni Mark.

Bago pasukin ang show business ay maraming mga bagay na ang nasubukan ng binatang gawin upang masuportahan ang mga pangangailangan ng pamilya. “Naku! Nag-ramp model ako, tapos nag-street dance din ako. Inter-barangay high school days dahil na-hook up tayo sa mga Jabbawockeez no’n at napasok tayo sa mundo ng pagsasayaw. Nasubukan ko lahat, na-trip ko kasi ‘yung natural high ‘pag nagpalakpakan sila. Iba ‘yung feeling as a performer ng gano’n, priceless,” kwento ng binata.

Walang karelasyon ngayon si Mark at aminadong matagal nang crush si Yen Santos. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw talagang makilala ng binata ang aktres. “Napi-Filipinahan beauty ako (kay Yen). May nunal siya at saka sobrang simple eh. Hindi siya ma-make-up na tao. Mas bagay sa kanya walang make-up. Nakita ko na siya sa Christmas station ID last year. Ang daming artists eh, nakaka-intimidate (na magpakilala),” natatawang pagtatapos ng aktor.  (Reports from JCC)

vuukle comment

CHRISTIAN BABLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with