^

PSN Showbiz

Kathryn at Daniel pinakamatamis sa Kapamilya loveteams

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kathryn at Daniel pinakamatamis sa Kapamilya loveteams
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Habang marami na ang tumatanggap sa unti-unti nang paglalaho ng kasikatan ng mga loveteams na kasalanan din naman ng mga network na kinabibilangan nila dahil sila ang nagpasimuno ng pagpapareha sa iba ng mga kinikilalang loveteams, siguro para na ring paghahanda sa ganitong panahon na naglalaho na ang init ng paghanga sa mga loveteam, dapat sigurong papurihan ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel dahil nagagawa nilang mapanatili ang kanilang tandem sa kabila ng malaking tagumpay ni Kathryn sa Hello, Love Goodbye na wala si Daniel. It’s nice na matapos ang kanyang trabaho para sa pelikula nila ni Alden Richards ay balik si Kathryn sa kanilang sweetness at togetherness ni Daniel, unlike JaDine na parang tuluyan nang naghiwalay at LizQuen na sa tagal ng paghihiwalay ay tila nakasawaan na ring hintayin ng kanilang fans. Nadine Lustre has done movies without James Reid, matapos ang isyu nila ni Gerald Anderson, kaput na rin ang JoshLia tandem, wala na rin ang tandem nina Kim Chiu at Xian Lim, merong paghahanda para sa pelikula at serye para sa LizQuen pero, bakit parang ang tagal baka mabantilawan pa.

Maraming kinabog ang KathNiel sa pag-a-appear nila ng magkasama sa ABS-CBN Ball. Andun din naman ang Jadine at LizQuen pero obvious ang mas malaking suporta sa KathNiel. Buti pa ang Mayward nina Maymay Entrata at Edward Barber, wagi sa kanilang date.

Nagawa nilang makipagsabayan sa mga mas popular na loveteams, at nag-complement ang kanilang mga suot na damit. Ibig sabihin lang ay dinamitan sila na may layuning gawin silang magkabagay sa okasyon. She really came prepared in a fuchsia Filipiniana inspired gown escorted by no less than her partner and boyfriend in real life.

Sayang at hindi ko nakita ang kabuuan ng ABS-CBN Ball dahil kasabay ito sa mga pinanonood kong Kapamil­ya shows. Malulungkot ako kapag pinalampas ko ang The Voice Kids at Maalaala Mo Kaya na kung saan ay napanood ko ang magandang performance nina Ruby Ruiz at Vance Larena na ipinagtatanggol ang kanilang karapatang kilalaning mag-ina sa kabila ng hindi pag­kapareho ng dugo na nananalaytay sa kanilang mga ugat. Deserved ni Ruby Ruiz ang kanyang Cinemalaya 2019 Best Actress para sa Iska. Magaling din si Vance. Binabati ko ang MMK sa isa na namang magandang episode, talagang hirap ang mga kalaban nilang programa ang masabayan sila, ang pinakamatinding kalaban na maituturing ng MMK sa kanyang genre ay ang Ipaglaban Mo hosted by Attorneys Jose and Jopet Sison.

Mabalikan ko lang ang ABS CBN Ball, kinabukasan ko na lang napagalaman na absent sa event si Angel Locsin. Mas minarapat nito na idonate na lamang sa Bantay Bata ang lahat ng magagastos niya sa pagdalo sa event, mula sa kanyang gown hanggang sa kanyang pagaayos. Good decision, Angel.

Happy anniversary…

Maligayang bati sa ika-50th wedding anniversary ng kapatid sa panulat na si Erlinda Rapadas at ng mister niyang si Ralph Claudio.

Napaka-simple ng naging selebrasyon nila ng kanilang 50 taong pagsasama bilang mag-asawa na biniyayaan ng tatlong anak na lalaki at isang babae na pare-pareho na ring may masayang pamilya ngayon.

Sila ang nag-organize ng celebration bilang sorpresa sa kanilang parents. It was worth the effort ang ginawa kong pakikibahagi sa selebrasyon kahit nangahulugan ito ng pag-alis ng PMPC ng karapatan kong makapag-nominate at masama sa botohan sa Star Awards for TV dahil, na-late ako ng 15 minuto sa nomination.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with