Alden Richards
Gift ni Alden huhusgahan na
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2019 - 12:00am

This Monday na ang world premiere ng The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards. Nakakatuwa lang na tumutulong ang supporters ni Alden to promote the teleserye. Sabado pa lang, nagplano na sila kung paano ipapa-trend ang pilot episode at the same time panoorin para mag-rate.

Masaya si Alden sa The Gift, deadma na siya sa ilang grupo na nangha-hanash sa kanya at sa teleserye. Basta ang alam niya, maganda ang The Gift na tungkol sa hope, inspiration at faith.

Samantala, lilipad si Alden pa-Bangkok sa September 19 para dumalo sa Sept. 20 event ng isang network doon. Makakasama niya sina Ken Chan at Dennis Trillo na pare-parehong may shows na airing sa isa sa network sa Thailand.

Lotlot ‘di raw naalala sa Sandaan  

May mga narinig kaming reklamo sa nakaraang Sine Sandaan. May mga artistang winner, pero hindi nakatanggap ng invitation kaya hindi na dumalo.

Si Aiko Melendez, nagtaka kung bakit sa Primera Contravida siya nakasama, eh hindi naman daw siya nagkontrabida sa movie at laging bida. Lately lang siya nagkontrabida, pero sa telebis­yon.

Tapos, si Celia Rodriguez na Mother ng mga Kontrabida, hindi naimbita at na-recognize ang husay na kontrabida. Bakit nga kaya?

Hindi rin naalala si Lotlot de Leon na noong kabataan niya ang sikat na sikat at kumita ang lahat na ginawang pelikula. Teen Superstar si Lotlot noong panahon niya ay blockbusters ang movie, pero di nakasama sa list at ‘di nakatanggap ng invites.

Sana makarating kay FDCP Chair Liza Diño ang mga concern na ito at siguro naman, may enough reasons kung bakit nakaligtaang imbitahan ang mga nabanggit.

Cherie gustong turuan ang mga bagong artista

Malaki ang epekto kay Cherie Gil nang pagiging council sa Starstruck. Sa Saturday episode ng SS, in-announce nitong magbubukas siya ng Master Class on Acting para makatulong sa mga bagong artista at mga batang artista. Pwedeng-pwede rito ang galing sa Starstruck 7 winners man o non-winners.
Sabi ni Cherie, ia-announce niya sa Instagram (IG) kung kailan magsisimula ang Master Class na kanyang bubuksan.
Baka nga pati matagal ng artista mag-enroll din dahil si Cherie ang magtuturo.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with