^

PSN Showbiz

Pia inunahan ang mga Kapamilya sa modern Filipiniana

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pia inunahan ang mga Kapamilya sa modern Filipiniana
Pia

Si former Miss Universe Pia Wurtzbach ang unang nag-upload ng kanyang modern Filipiniana sa ginanap na ABS-CBN Ball kagabi. Hindi lang isa ang nakitang suot niya sa social media, parang lima ang pinagpilian niya.

Siyempre lahat pasabog ang mga gown ng Kapamilya stars.

Anyway, tulad sa ABS-CBN Ball 2018 kung saan nakalikom ng P5 milyon piso na ginamit para sa construction at rehabilitation ng Bantay Bata Village, CCTV training para sa social workers, installation ng call at paging system, library, at isang multimedia room, itinuloy nila kagabi ang sinimulan noong nakaraang taon–ang magbigay ng pag-asa sa mga kapus-palad na kabataan, sa pamamagitan ng Bantay Bata 163 Bantay Edukasyon program.

Lahat ng mga dumalo sa nasabing ball ay nagbibigay ng cash na diretso sa kawanggawa.

Alden may pressure sa ‘Gift’

Huhusgahan na sa Lunes ang The Gift ni Alden Richards.

Bagama’t may umaapela na sana naman ay binigyan si Alden ng ibang role like a young executive for a change, pero ibang drama ang gagawin niya rito bilang si Sep (Joseph) na street-smart and high-spirited pero bulag na vendor sa Divisoria at may kakaibang gift na makita ang nakaraan at hinaharap na mga kaganapan. “Sometimes we take things for granted, normal lang na nakakakita tayo but once na mawala siya, parang that really got me. Actually, nalungkot ako ng ma-experience ko kasi ang hirap mawalan ng paningin. After that immersion, I interviewed people who can see before sila nabulag and na-inspire ako sa kanila na tipong ‘what can be my contributions to society now that I’m blind? Iyon ‘yung gusto kong mabaon ng mga manonood sa The Gift - bibigyan natin sila ng peak sa mundo ng mga taong hindi nakakakita para mas maintindihan natin sila,” pahayag ni Alden.

Mataas na mataas ang expectation ng lahat sa The Gift dahil kagagaling nga ni Alden sa super box office movie na Hello, Love, Goodbye with Kathryn Bernardo na pinalalabas pa sa ibang bansa.

Bantay Bata 163 theme song music video napansin agad

Magbibigay inspirasyon sa maraming Pilipino ang bagong Bantay Bata 163 theme song na Bawat Isa ay Bata dahil ilinunsad na ng ABS-CBN official music video nito na tampok ang young standout singing group na TNT Boys.

Unang napanood ang music video sa Sunday variety show na ASAP last Sunday, September 8, matapos ang live performance ng trio nina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez at Francis Concepcion.

Tampok ang young singers kasamang naglalaro ang mga bata ng Bantay Bata 163 Children’s Village.

Bawat Isa ay Bata ay isang paalala sa mga Pilipino na tulad ng mga bata, maaari tayong mangarap para mas ligtas na mundo para sa lahat. 

Idinirehe ito ni Paolo Ramos at Lorenz Morales gamit ang maliwanag na mga kulay para ipahatid ang mensahe ng pag-asa sa magandang kinabukasan.

Sinulat ni Mark Raywin Tome ang lyrics ng awit at linikha naman nina Lloyd Oliver Corpus at Jungee Marcelo ang musika nito.

Unang inawit nang TNT Boys ang Bawat Isa ay Bata sa kanilang The Big Shot concert noong 2018. Mapapanood na ang music video nito sa Youtube.

vuukle comment

PIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with