Sinorpresa ni Pia, McCoy gustong maging girlfriend si Miles!

Sinorpresa ni Pia, McCoy gustong maging girlfriend si Miles!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2019 - 12:00am

Kamakailan ay nagkausap sina McCoy de Leon at Pia Wurtzbach sa pamamagitan ng isang video call habang nasa New York ang Miss Universe 2015. Aminado ang aktor na talagang crush niya ang beauty queen kaya gumawa kami ng paraan sa Tonight with Boy Abunda upang magkausap ang dalawa.

“Sobrang supportive ako kay McCoy, fan ako ni McCoy. Sobrang naga­gwapuhan ako sa kanya. Magaling siyang artista. Napapanood ko ‘yung mga palabas niya, ‘yung acting niya, magaling talaga siya. I’m so proud of you, he’s doing so well. Sisikat ka pa lalo,” mensahe ni Pia para sa aktor.

Sobrang na-sorpresa si McCoy at halos hindi makapaniwala sa mga nangyari.

Samantala, kung mabibigyan ng pagkakataon ay si Miles Ocampo naman daw ang gustong ma­ging kasintahan ng binata. “Kung puwede, kasi iba siya eh. Naiintindihan niya ako. Hindi parang artista kapag nakakasama ko. Miles kung may problema ka, kung kailangan mo ako, nandito lang ako palagi. Ayaw kong madaliin lahat eh. Masaya po kami kung ano po ‘yung status namin,” pagtatapat ng aktor.

Inigo nahirapang magpakilala sa ibang bansa

Malayo na ang narating ni Inigo Pascual dahil sa kantang Dahil Sa’yo. Makikita sa internet o social media na maraming mga banyaga ang kumakanta nito mula sa iba’t ibang bansa.

Masayang-masaya ang singer-actor dahil sa naging tagumpay ng nasabing awitin.

“I think it’s perfect timing for us to share our music globally. With the rise of K-Pop, Latin music as well has been around. With the help of technology, with the help of just connecting through music, it’s perfect timing for us to share our music. Being a Filipino, I’m just super proud of our music, OPM. It makes me question sometimes like, ‘Why is it just now that we’re putting OPM out there to the global scene?’” nakangiting pahayag ni Inigo.

Nakapag-ikot na ang singer sa Amerika at United Kingdom upang mag-promote ng kanyang mga kanta. Aminado naman siya na talagang mahirap din bilang isang Pinoy ang magpakilala sa ibang bansa. “Well the challenge will always be there. I think one obviously, language barrier. Sometimes we might alienate our audiences. Throughout the shows that I’ve done, I’ve come to realize that sometimes, you definitely have to sing in English. But sometimes, injecting songs that are in Tagalog, they will appreciate that,” paglalahad ng binata.

Masaya si Inigo sa tuwing natutuwa sa kanya ang mga manonood habang nagpe-perform. Hindi raw niya makalilimutan ang naging show sa California kamakailan. “Nagulat ako, there were times when in Anaheim, non-Filipino audience but obviously there were Filipinos. When I started singing ‘Dahil Sa ‘Yo,’ the crowd went crazy. All the Samoans, all the Hawaiians were like, ‘This is really good. This sounds like our music.’ When you hear that from other nationalities, ‘yon ang nakakatuwa. Kasi initially, being a Filipino going internationally, iisipin mo magugustuhan ba ng ibang lahi ‘yung lengwahe ko, ‘yung kanta na kinakanta ko? That’s one of the challenges that you have to face. But you’ll never know unless you try,” pagbabahagi niya.(Reports from JCC)

MCCOY DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with