Aktres wala sa plano ang kasal, kuntento na sa anak
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2019 - 12:00am

Bata pa lang ay talagang mabarkada na ang isang kilalang female personality. Palibhasa’y mula sa isang mayamang angkan, lumaki siya na sunod ang lahat ng kanyang luho, spoiled na spoiled siya sa kanyang pamilya.

High school student pa lang ang girl ay kilalang-kilala na siya sa tawag na imbudo. Malakas kasi siyang uminom, kayang-kaya niyang pabagsakin sa inuman kahit ang mga kalalakihan, siya lang ang natitirang nakatayo pa kapag bagsak na ang kanyang mga katomaan.

Kuwento ng aming source, “Para ngang imbudo ang lalamunan ng babaeng ‘yun! Napakalakas niyang magnomo-nomo! Ni hindi mo nga siya makikitang nangangasim kapag umiinom siya, parang tubig na lang para sa kanya ang alak!

“Kung mahina-hina ka lang uminom, e, huwag ka nang makikipagsabayan sa girl na ‘yun dahil mapapahiya ka lang! Hard o beer, wala siyang pinipili, kaya niyang inumin lahat!” simulang pagpapakilala ng aming source sa kanyang subject.

‘Yun ang dahilan kung bakit sila nagkasundo ng isang pamosong male personality, naging drinking partners sila, ‘yun ang pinag-ugatan ng kanilang relasyon.

Patuloy ng aming impormante, “Pero masawain ang girl! Mabilis siyang magsawa sa mga ginagawa niya, kaya pati sa karelasyon niya, e, mabilis din siyang magsawa.

“Hindi siya ‘yung klase ng babae na forever na makakasama ng guy. Mabilis siyang magpalit ng emotion, naghahanap siya ng bago, madali siyang magsawa.

“Minsan, e, tinanong siya ng isang friend niya kung ano ang plano niya kapag tumanda siya. Mag-aasawa ba siya? Ang bilis-bilis ng sagot ng ate n’yo!

“Anak lang daw ang gusto niya, hanggang du’n lang siya, ayaw niya ng guy na makakasama niya nang habambuhay. Mismo! Baby lang ang gusto niya talaga!

“Kaya ‘yung mga nagaganap ngayon, hindi na bago ‘yan sa mga taong matagal na niyang nakakasama. Baby lang talaga ang habol niya para hindi siya tumandang mag-isa!

“Tama na siya sa ganu’n, okey na siya, basta may anak na siya. Let’s drink to that! Talagang hindi niya makakasama forever ang male personality na sayang, kinalimutan pa naman ang lahat para sa relasyon nila!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Tutok sa Gift, Alden consistent sa pandededma sa bashers

Maagang uuwi ang mga kaibigan namin sa darating na Lunes, September 16, dahil gusto nilang mapanood ang unang sultada ng pinagbibidahang ser­yeng The Gift ni Alden Richards.

OA na kung sa OA, pero totoo, may mga kababa­yan pa nga tayong nagpaplanong mag-half day na lang sa unang gabi ng serye ni Alden sa GMA-7.

Katwiran ng isang nakausap namin, “Nakakainis kasi ang traffic, wala nang pinipiling panahon ngayon! Lahat ng oras, e, rush hour na, nakakapagod bumiyahe!

“Biruan nga naming magkakaibigan na possible naming gawin, e, magha-half day na lang kami sa Monday para mapanood namin ang first night ng The Gift!” kuwento ng aming kaibigan.

Napakalakas ng karisma ni Alden ngayon sa ating mga kababayan. Nagsimula ‘yun sa tambalan nila ni Maine Mendoza, hanggang sa matagumpay nilang tambalan ni Kathryn Bernardo sa Hello, Love, Goodbye, hindi natin maikakaila na panahon talaga ngayon ng Pambansang Bae.

Isang senyal na nasa gitna talaga ng aksiyon si Alden ng kaliwa’t kanang upak na ipinupukol sa kanya ngayon sa social media. Kinaiinsekyuran na kasi siya.

Natural lang ‘yun, kung sino ang nasa itaas ang ibina­baba, kumbaga sa basketball ay hindi naman sinisira ng mga miron ang laro ng nakabangko lang na player.

Pero nakaturalan na ni Alden ang pagiging tahimik lang sa mga ganu’ng senaryo, mapagkumbaba ang aktor, nauunawaan din niya ang sitwasyon kung bakit siya pinupupog ng mga bashers ngayon.

Ang mahalaga ay siya ang nasa itaas at nasa paanan lang niya ang mga humihila sa kanya. Siya ang nasa unahan, nasa likuran lang niya ang mga taong walang magawa, ang mga kaluluwang ayaw makakita ng mga taong nagtatagumpay.

Pana-panahon lang ‘yan. Walang makahaharang sa tagumpay ng taong kinakampihan ng kapalaran. Nakasulat na ‘yan, mangyayari talaga, nakaguhit na ang tagumpay sa kanyang mga palad.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with