PPP simula na!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2019 - 12:00am

SEEN: Ngayon ang huling gabi sa telebisyon ng Love You Two, ang drama romantic comedy series nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado sa GMA-7. Simula sa Lunes, September 16, ang The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards.

SCENE: Mabait na mentor at judge si Cherie Gil at ayon ito sa Starstruck Season 7 finalist na si Shayne Sava. Kasama ang kanyang lola, nagsimba si Shayne  sa Baclaran Church noong Martes para ipagdasal ang tagumpay niya sa finale night ng Starstruck Season 7 sa September 15, 2019.

SEEN: “Hindi ko po siya kilala,” ang sagot ni Lexi Gonzalez nang tanungin tungkol sa balita na diumano sinusuportahan ng isang politician ang kanyang Starstruck journey. Si Manila City Mayor Isko Moreno lamang ang nilapitan ni Lexi.

SCENE: Pamilyar sa televiewers ang mukha ni Kim de Leon dahil siya ang kasama ni Joshua Garcia sa isang television commercial. Si Kim ang isa sa Final Two ng Starstruck Season 7 na magwawakas sa Linggo.

SEEN: Opisyal na magsisimula ngayon, September 13, ang 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino. Ang The Panti Sisters ang pinakamaingay sa lahat ng official entries dahil usap-usapan na maganda at nakakaaliw ang pelikula nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables.

SCENE: Bentang-benta sa mga dumalo sa premiere night ng Cuddle Weather ang mga dialogue ni Sue Ramirez, ang lead actress ng pelikula. Isang prostitute ang role ni Sue sa pelikula.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with