Jay Manalo
Jay guwapo pa rin
(Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

SEEN: Nahirapan sina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario sa paglalakad dahil sa mga long gown na suot nila sa premiere night ng The Panti Sisters. Na-appreciate ng aliw na aliw na audience ang effort ng tatlong bida ng pelikula na magbihis-babae. Ang Panti Sisters ang hinuhulaan na mangunguna sa takilya sa pagsisimula sa Biyernes, September 13 ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

SCENE: Confidently beautiful si Paolo Ballesteros sa mga eksena niya sa The Panti Sisters samantalang si Martin del Rosario ang may pinakamagandang mukha dahil babaeng-babae ang itsura niya.

SEEN: Ang Film Development Council of the Philippines ang organizer ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino. Magbubukas sa araw ng Biyernes sa mga sinehan ang mga pelikula na kalahok sa PPP pero pagkatapos nito, balik uli sa araw ng Miyerkules ang pagpapalabas ng mga pelikula sa cinemas nationwide.

SCENE: Bayolente ang lahat ng mga eksena sa Watch Me Kill, ang suspense-thriller-action-drama movie ni Jean Garcia. Official entry sa PPP ang pelikula ni Jean na nakakapangilabot ang mga eksena dahil wala siyang ginawa kundi ang pumatay. Noong Martes ang premiere night ng Watch Me Kill sa Trinoma Cinema. R16 ang classification ng MTRCB sa pelikula kaya hindi pinayagan na makapasok ang one and a half-year old daughter ni Tyrone Acierto, ang direktor ng pelikula.

SCENE: Si Jay Manalo ang kontrabida kay Jean Garcia sa Watch Me Kill. Matutuwa si Jay kapag nalaman nito na pinupuri-puri ng mga dumalo sa premiere ng Watch Me Kill ang kanyang itsura dahil guwapong-guwapo siya sa lahat ng mga eksena niya.

SEEN: Si LA Madridejos ang direktor ng The Gift, ang primetime drama series ng GMA 7 na mapapanood simula sa Lunes, September 16. Ikinukumpara ni LA si Alden Richards kay Jericho Rosales dahil parehong malapit at mahal ng masa ang dalawang aktor.

SCENE: Dapat magpaawat si Deborah Sun sa pagsasalita na hindi siya gumagamit ng illegal drugs dahil hindi na naniniwala ang mga tao. Hawak ng mga pulis ang kopya ng drug test kay Deborah na nagpapatunay na positive siya sa paggamit ng illegal drugs.

JAY MANALO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with