Bea Alonzo
Bea pinayuhan si Christian na magtira sa sarili
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

Kabilang si Christian Bables sa isang bagong teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez. Nagte-taping na ang nasabing proyekto kaya naman madalas na nagkaka­kwentuhan sa set ang mga artista nito.

Hindi raw inakala ni Christian na magkakaroon sila ng pagkakataon ni Bea na makapag-usap tungkol sa mga personal nilang buhay. “Ako po very mahiyain akong tao eh. Hindi ako mag-i-initiate ng talk kapag hindi ko ka-close ‘yung tao or hindi pa kami magkaibigan, pero babati ako. Siya ‘yung nag-initiate nang pag-uusap para magkakilala kami. So nakakatuwa si Ms. Bea,” nakangiting pahayag ni Christian.

“Napag-usapan namin about life. Kung saan ako nagsimula. Siya rin nagkuwento about sa struggles niya as an actress. Pinayuhan niya ako sa family and love. Pagdating sa pamilya, ‘wag kong kalimutan ‘yung family ko kasi ‘yun ang core ko,” pagdedetalye ng binata.

Maging tungkol sa buhay pag-ibig ay nagbigay din ng payo si Bea kay Christian. “Sinabi niya na magtira ka ng pagmamahal para sa sarili mo,” dagdag pa niya.

Ngayon ay kasintahan ni Christian ang isang kababata noon na nakatira sa Cavite. Para sa aktor ay nabigyan sila ng second chance ng dalaga. “Yes, finally after three years (na walang karelasyon), kababata ko, non-showbiz. Kami na nito bata pa lang kami. Tapos dahil sa sobrang busy, nawala. Tapos ngayon balik ulit, nagkaro’n ng second chance,” pagtatapat ng aktor.

Baron sinagot ang isyu ng pagbalik sa rehab!

Nagbabalak nang pakasalan ni Baron Geisler ang kasintahang si Jamie Marie Evangelista sa susunod na taon. Isang simpleng selebrasyon lamang daw ang nais mangyari ng aktor. “Malapit na ang kasal. Hindi nga po ako bumili ng kotse eh. Inuna ko ‘yung para sa baby. We just want to make it simple. Gusto daw muna niya magpapayat, pero sabi ko, ‘Love, masaya na ako sa katawan mo. Kaya nga ako na-in love sa ‘yo eh,” nakangiting kuwento ni Baron.

Para sa aktor ay talagang naramdaman niya sa kasintahang Cebuana ang pagmamahal at pag-aalaga na kanyang kailangan. “Actually she’s God’s gift to me talaga. I’m very blessed to have her in my life. Kasi I’m not perfect, I’m God’s work in progress. But I am striving to be the best version of myself. Without God by my side and without her, I cannot make it,” pagbabahagi niya.

Samantala, may bulung-bulungan na muling nagbalik sa isang rehabilitation center si Baron. Ayon naman sa aktor ay walang katotohanan ang tungkol dito. “Not true, fake news. No comment na ako sa isyung ‘yan kasi lalaki lang po. Just keep them wondering, as long as we know I’m still in (FPJ’s Ang) Probinsyano, nothing to worry. I’m doing well. Nakikita naman nila ako everyday sa show,” paglilinaw ng aktor.(Reports from JCC)

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with