Alden Richards
Mga talunan sa Starstruck, may chance matulad din kay Alden!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

Gusto ko ang excitement na nararamdaman ng Final 4 ng Season 7 ng Starstruck Salve. Sure ako na malakas ang pounding of their hearts at trobbing ng kanilang brains dahil sa September 15 na ang announcement ng winners.

Bongga talaga kapag contestants ng mga reality-based artista search tulad ng Starstruck dahil hindi lamang sila ang mga excited. Pati ang kanilang pamilya at fans, kakaiba rin ang excitement na nararamdaman.

Pero hindi nangangahulugan na kapag nanalo ang contestant, magiging superstar na sila dahil perfect example si Alden Richards na hindi nag-win pero big star na ngayon.

Para sa mga hindi pinalad na makabilang sa Final 4 ng Starstruck Season 4, just believe in yourself, work on your dreams at gaya ni Alden, ipagdasal ninyo ang mga pangarap. Sabi nga, Dream, Believe, Survive, Starstruck, bongga!

Sa pagtatapos ng Season 7 ng Starstruck, ang Season 2 naman ng The Clash ang mapapanood simula sa September 21.

More than 60 ang bilang ng mga kasali sa The Clash kaya marami na naman ang mapapanood natin na future singers at performers.

Suwerte ng aspirants ng The Clash dahil isa ito sa mga special show ng GMA-7 na nagbibigay ng pag-asa sa mga nangangarap na makapasok sa celebrity world.

Mga hurado ng The Clash sina AiAi Delas Alas, Lani Misalucha at Christian Bautista, Clash Masters sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at Clash Mates sina Rita Daniela at Ken Chan.

Exciting para sa lahat ang Season 2 ng The Clash. Actually, all the new programs na ni-launch ng GMA-7, talagang palaban tulad ng Beautiful Justice, The Clash, The Gift at ang coming soon na One of The Baes. Make it a habit, watch all the new shows of Kapuso Network dahil promise, magaganda silang lahat.

Rhea Tan may pa-blow out sa kanyang ambassadors sa Japan!

Alam mo ba Salve na dahil sa magandang sales ng Beautéderm, dadalhin ni Rhea Tan sa Japan ang mga beauty and celebrity ambassador niya bilang blow out?

Apat na araw magkakaroon ng bonding sa Japan ang grupo ni Rhea para lalo silang maging close sa isa’t isa.

Ang sabi ko nga, this Christmas season, lalong tataas ang sales ng Beautéderm dahil marami ang may idea na ang mga beauty product ng beauty products company ni Rhea ang ipamimigay nila bilang regalo.

In demand sa consumers ang starter set ng Beautéderm dahil ito ang talagang hinahanap ng lahat.

Alam na natin ngayon ang dahilan kaya malapit kay Rhea ang grasya. Very generous siya para dalhin niya sa Japan ang lahat ng celebrity ambassadors ng Beautéderm.

For this year alone, fifty branches ng Beautederm ang bubuksan ni Rhea. Approved na rin ang foundation na itinatag niya para madagdagan ang mga tao na kanyang tutulungan.

Next year, mas maging matagumpay pa sana si Rhea at ang Beautéderm para mas lumigaya ang lahat ng mga nakapaligid sa kanya.

Sa November na ang birthday ni Rhea, wish ko na lalong maging masaya at maganda. Sure ako na star-studded ang kanyang birthday celebration, hitsurang sa Angeles City ang big celebration niya. Go uli tayo Gorgy at Salve.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with