Ma­rian Rivera
Marian hindi napilit sumama sa Berlin Marathon
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

May panibagong endorsement na naman si Ma­rian Rivera na ini-launch nung isang araw lang sa Seda Hotel.

Ito ang Tough Mama kitchen appliances na sabi nga ng karamihan, bagay na bagay sa kanyang personalidad na isang tough na babae, lalo na’t aminado naman siyang tough talaga siya bilang isang Caviteña.

Pero pagdating sa pamilya, dapat ay talagang extra tough daw siya, at ang nagpapalakas daw sa kanya ay ang pagdarasal sa Diyos.

Doon naman daw talaga siya kumakapit lalo na’t may mga kailangang gawin ang asawa niyang si Dingdong Dantes na hindi siya kasama.

Napag-usapan kasi namin doon sa grand launch ng Tough Mama ang pagsali ni Dingdong sa 2019 Berlin Marathon sa September 29.

Tamang-tama lang, tapos na rin siya sa Starstruck dahil sa Linggo na ang finale. Kaya pagkatapos nito, naisisingit niya sa taping ng Descendants of the Sun, ang pag-ensayo dahil malapit na siyang umalis pa-Germany para sa Berlin Marathon.

Kuwento ni Marian, talagang pinipilit daw siya ni Dingdong na sumama dala ang dalawang anak nila. “Gusto niya kasama ang buong barangay. Ang dalawang anak ko saka ako. Sabi ko, ‘dad sorry talaga.

“Nagi-guilty talaga ako, dahil alam kong mahalaga sa kanya ang pagtakbo niya at first time niyang gagawin, tapos wala ako.

“Sabi ko, ‘wrong timing ka eh, may maliit ako. Parang ang hirap namang bitbit ko si Ziggy, kasama ko si Zia, nandun kami.

“Sabi ko paglaki-laki lang nung isa, kahit saan tayo magpunta, kakaladkarin ko. Pero this time, sorry, mga bata muna ako, kaya mo na yan.”

Pero may gagawin naman daw siya para kahit paano ma-feel naman daw ni Dingdong ang suporta niya at ng mga anak nila. “May kinuntsaba naman ako, kasi mga katakbo niya, kakilala ko.

“So, nakisuyo ako na magdala ng picture ko para pag malapit iangat ang picture ko para kunwari nandun din ako. Magpapa-print ako ng picture ko ipadala ko, para sabi ko parang nandun din ako. Totoo. Gagawin ko talaga yun.

“Naisip ko lang parang sinuportahan ko siya,”  napapangiti niyang kuwento sa amin.

Nag-suggest naman kami na puwedeng mag-FB or IG live para masubaybayan niya ang pagtakbo ni Dingdong, pero baka kabahan lang daw siya nang husto. Baka nerbyusin ako eh. Pag nagmu-motor nga siya, medyo aligaga ako. So, ipinagdadasal ko na lang.

“Palagi ko siyang niri-remind…everytime na nagmu-motor siya o may gagawin siya na wala ako dun, sabi ko sa kanya palagi kong iisipin lagi ako lang.

“Ngayon may dalawa kang anak. Kailangan makauwi ka ng safe dahil hinihintay ka namin. Taimtim talaga ang dasal, kasi baka mamaya himatayin siya dun, tapos wala ako.

“Kasi 4 hours siyang tatakbo ha? Walang tigil. Hindi biro yung 4 hours na tatakbo ka,” medyo nag-alalang pahayag ni Marian.

Samantala, lalo pang gumanda si Marian sa bagong hairstyle niya.

Pero napansin ng iba na parang kagaya ng bidang babae sa Descendants of the Sun ang ganung style ng buhok.

“Naku! Lulubog na sa upuan niya yung napiling leading lady. Hindi po talaga. Gusto ko lang ganito para medyo fresh ang dating.

“Dapat paputulan ko kasi minsan nasasabunutan pa ng anak ko. Pero walang konek dun,” sagot naman ni Marian.

Nahihiya na nga raw siya sa GMA-7 at sa kung sino mang napiling leading lady dahil parang pinipilit na siya, pero hindi raw talaga.

Happy na ngayon si Marian sa ginagawa niya, dahil may sapat pa siyang oras sa kanyang mga anak. Mabuti at may mga ganito raw siyang endorsements na ipinagkakatiwala sa kanya.

Ang latest pa ngang narinig namin, may isa pa siyang endorsement na isang kilalang food chain na kung saan makakasama niya si Zia.

Hindi lang daw nila mailu-launch dahil kaila­ngang hintayin pang pagtuntong ni Zia ng three years old.

Lani Misalucha semi-retired na rin!

Inamin na rin sa amin ni Lani Misalucha na parang semi-retired na rin daw siya ngayon dahil gusto na raw niyang mag-focus sa pamilya.

Napag-usapan namin ‘yan sa mediacon ng The Clash nung nakaraang Martes ng tanghali dahil ramdam na ramdam namin ‘yan nang kinanta niya roon ang awiting Timeless na inalay niya sa kanyang mga apo.

Talaga namang medyo lie-low na raw siya ngayon sa pagtanggap ng mga trabaho dahil mas gusto niyang ibigay na ang sarili sa kanyang pamilya.

“Isang rason din yun kung bakit ako nag-migrate sa Amerika dahil nga I’m willing to let go of this career, and really focus on my family. Kasi sa akin naman talaga, prayoridad ko ang pamilya di ba?” saad ng Asia’s Nightingale.

May mga offer lang daw na mahirap tanggihan kagaya nitong pagiging Clash panel sa second season ng The Clash.

“No matter how many times I tried to stay away from showbusiness o yung spotlight, it still manages to follow me and chase me. So, para sa akin ito na siguro talaga ang destiny ko na talagang maging singer.

“Pero somehow nga, semi-retired na rin naman talaga ako.

“Talagang…at least napipili ko na yung gusto kong gawin.

“Ayokong mag-full blast, ayokong…you know. Hindi naman ako bata pa na you know…I’m not really that healthy anymore.

“So, I take things slowly one day at a time and just breathe it in and enjoy it,” sabi pa ni Lani Misalucha.

Napabalita pa nga nung umalis na si Regine Velasquez sa GMA 7, na baka siya ang papalit na host o tinatawag nilang The Clash Master.

Sabi naman ni Lani: “Hindi ko rin tatanggapin kung sakaling inalok sa akin

ang maging bagong host, only because I really want to be one of the judges.”

Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang The Clash Masters at sina Ken Chan at Rita Daniela naman ang Journey Hosts.

Sa September 21 na magsisimula ang The Clash pagkatapos ng Daddy’s Gurl at pagkatapos naman ng Daig Kayo ng Lola Ko tuwing Linggo.

MA­RIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with